^

PSN Opinyon

Mga usong salita natural magbago sa panahon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

WALA akong masasabi kung ano’ng kasarian ang nais ni Charice Pempengco para sa sarili. Bilang mag-aaral ng kultura, na-interes lang ako sa inulat ng isang sikat na showbiz radio reporter na, “Nagladlad siya ng pagka-tivoli.” Naisip ko, ah, ‘yun na pala ang taguring ginagamit ngayon sa Kamaynilaan (o kapuluan?) para sa female homosexual.

Siyudad ang Tivoli ng mga Etruscan sa lumang Italya bago manaig ang mga Romano. Tanyag ito sa piyesta noon at ngayon; at sa sinauna, Renaissance, at modernong si-ning. Paano lumitaw ang taguring “tivoli” sa babaeng gay?

Nu’ng 1950s “tomboy” ang mapanlait na taguri sa kanila. Pinag-dugtong ang “Tom,” pangalang lalaki, at “boy,” batang lalaki sa Inggles. Malikot si Tom sa nursery rhyme: “Tom, Tom, the piper’s son, stole a pig and away he ran....” Kaya ‘yun ang itinaguri sa babae na kasing-ligalig.

Nu’ng dekada-’60 sumikat sa Pilipinas ang American sports car na Thunderbird. Shortcut nito’y “T-Bird.” At dahil sa pagkahawig ng mga titik “t” at “b”, ang “tomboy” ay naging “t-bird”. Nu’ng 1970s ito’y naging mapanglait pa ring “tibo”, palayaw ito ng lalaking may ngalang Primitivo, at mayhawig din ang “t” at “b”.

Dekada-80 nang magpataw ng mga taguring politically correct sa iba’t ibang kondisyon. Ang dating nakasasakit-damdamin na “tabachoy” ay naging “overweight,” ang “bulag-pipi’t-bingi” ay “handicapped,” at ang “bakla’t tomboy” ay “third sex.” Dekada-90 nang himayin pa ang third sex bilang “L-G-B-T” (lesbian, gay, bisexual, transgender).

Pero nanatili sa mga politically incorrect ang taguring “tibo.” At pinalandi ito ngayon sa “sward-speak” (pagsasalitang gay) bilang “tivoli”.

Ganoon ang wika: tulad ng tao atbp., nagbabago sa panahon.

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

BILANG

CHARICE PEMPENGCO

DEKADA

GANOON

INGGLES

ITALYA

KAMAYNILAAN

KAYA

L-G-B-T

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with