Ang bayan ng Obando
MINSAN, kung pag-asenso ang inaasam, kailangang sumubok ng isang baguhan. Ganyan siguro ang nasa isip ng mga kababayan natin diyan sa Obando, Bulacan nang ihalal nilang alkalde ang bagitong si Mayor-elect Edwin Santos. Bagito sa larangan ng pulitika pero di matatawaran ang kakayahan sa pamamahala.
Battle-cry ni Santos “Serbisyo, hindi pulitikaâ€. Siyempre, may kasabihang ang pagsubok sa pagkain ay ang pagtikim. Maghihintay pa ang mga kababayan natin sa Obando na makaupo si Santos para makilatis ang kanyang kakayahan at sinseridad sa kanyang adhikain.
Ayon kay Santos, napilitan siyang tumakbo sa pagka-alkalde ng Obando dahil ibig niyang maibalik ang kaÂayusan at kagandahan ng lugar na kilala sa fertility dance rites, o pagsasayaw sa isang ritwal ng mga nais magkaroon ng anak.
“Naaawa na ako sa Obando, sobrang kawawa na ang mga kababayan ko,†aniya.
Sa pag-upo niya sa Hulyo 1 bilang bagong ama ng Obando, puspusan ang planong rehabilitasyon ni Santos para sa buong bayan.
Ayon kay Santos, “Uunahin nating ayusin ang drai-nage system. Nakita niyo naman ang mga kanal namin dito sa Obando halos kapantay ng kalsada kaya mabilis ang pagtaas ng baha. Maglalagay din tayo ng pumping station upang kapag maulan o high tide, ang tubig ay mabilis na mababalik sa lawa at maiiwasan ang malalim na pagbaha tulad ng nangyari noong Habagat. Aayusin din muna natin ang pilapil na pangharang sa tubig-lawa habang wala pa tayong dike. â€
Bukod sa problema sa baha, aaksyunan din daw ni Santos agad ang mga sira-sirang kalsada at magpapatayo ng ospital na magse-serbisyo ng 24 oras sa mga taga-Obando.
Sa ngayon, ang Obando ay walang sariling pagaÂmutan at kulang na kulang din sa paaralan. Tiniyak din ni Santos na hahabulin niya ang lahat ng taong nagÂsamantala sa Obando, Bulacan na naging dahilan upang malugmok umano ang buong bayan sa kahirapan.
Ang masasabi ko naman, isulong mo ang mabuÂting adhikain Mayor at harinawang huwag kang lamuÂnin ng bulok na sistema.
- Latest