Labanan ng surveys
KUNG nais nating pulsuhan ang sentimiyento ng bayan hinggil sa mga kandidato, marahil ay mas mapananaligan ang mga social networks gaya ng FaceBook, Twitter, Instagram at iba pa. Walang nagko-commission sa mga ito kundi malayang naglalahad ng opinion ang taumbayan. Gayunman, hindi pa rin dapat kumondisyon sa isip ng mamamayan para sabihing ganoon din ang magiging resulta ng halalan.
Kagulat-gulat na ang senatorial bet ng Bangon Pilipinas na si Bro. Eddie Villanueva ay hindi pumapasok sa “magic 12†ng mga surveys pero sa social networks, siya ang number one. Nagiging kontrobersyal ang mga surveys ng mga kandidato. May mga nagtatanong: Ang mga ito ba ay dapat pagtiwalaan o hindi? Isa pang tanong, dapat ba itong pahintulutan o ipagbawal? May mga pagkakataon na ang mga nangunguna sa surveys ay talagang nananalo. Pero may mga insidente rin na ang mga wala sa surveys ay kamangha-manghang nagwawagi. Yun bang tinatawag na “dark horse.†May mga nagsasabi na ang mga surveys, tulad ng ginagawa ng Pulse Asia at Social Weather Station ay “kumukondisyon†sa utak ng mga botante upang iboto yung mga sinasabing nangunguna. Dagdag nila, dapat ipagbawal ang survey sa politika. Ito raw ay para lamang sa mga produktong pangkalakal para malaman ng manufacturer kung ano ang dapat gawin para lalu itong maging mabili.
Sa isang survey ng SWS noong isang linggo, sinasabing dumausdos ng 8 percentage point ang rating ni Vice President Jojo Binay ngunit sa isa namang survey ng Pulse Asia, sinasabi naman na tumaas ang rating niya ng 6 na porsyento. Sa isa pang survey result, sinasabing umangat ang approval rating ni dating Bases Conversion Development Authority Chairman Felicito “Tong†Payumo na kumakandidato sa pagka-kongresista laban sa kanyang katunggali na si Herminia Roman.
Marahil may magandang layunin din ang mga surveys. Pero sa ganang akin, ito’y hindi dapat isapubliko kundi “for personal reference†lang ng mga kinauukulang kandidato.
Ngunit kung may dalawang entities na magpapalabas ng magkasalungat na resulta, pihong magtatanong ang publiko: Alin kayang survey ang tama? Kung ikukonsiÂdera na ang mga tinaÂtanong sa survey ay isanlibo katao lang mula sa iba’t ibang sektor, paano ito magiging conclusive na kumakatawan ito sa kabuuan ng mga botante? Isa pa, sa tinagal-tagal ko sa mundong ito, ni minsan ay wala pang nag-survey sa akin para alamin kung sino ang aking mga kan-didato. Kayo?
- Latest