^

PSN Opinyon

‘Imported meat’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HALOS dalawang taon ng bagsak ang suplay ng karne sa merkado sa bansa dahil sa pagkalugi ng domestic agri-sector. Apektado nang malawakang pagpupuslit ng mga imported meat, ang mga magsasaka, nababahala at patuloy na umaaray sa walang habas na importasyon ng mga produktong pang-agrikultura mula sa mga dayuhang bansa.

Nitong mga nakaraang linggo, naging matunog ang usapin sa nawawalang P32 bilyon sa agribusiness taon-taon. Ang itinuturong dahilan, importasyon! Sa pamamagitan ng importasyon, nagkakaroon kasi ng oportunidad ang mga smuggler na mandaya at manlamang sa gobyerno.

Dahil bansang agrikultural ang Pilipinas, nagkainteres ang BITAG na silipin ang kalagayan ng mga maliliit na mga magsasakang sapul at apektado ng meat importation o ‘yung mga nasa backyard hog raising. Ang agribusiness ay tumutukoy sa pagnenegosyo sa sektor ng agrikultura. Sakop nito ang crops, livestocks at fisheries. Tinuturing na mga farmers o magsasaka ang mga nasa sektor na ito.

Kahapon, hayagang kinontra ng Philippine Association of Meat Processors Inc. ang Administrative Order (AO) No. 09-2013 na inisyu ng Department of Agriculture. Layunin ng AO na higpitan ang importasyon ng mga karneng baboy mula sa ibang bansa, una dahil sa mga insidente ng kontamisnasyon ng virus sa karne at pangalawa, para protektahan ang lokal na agrikultura.

Dahilan ng PAMPI, mamomonopolyo daw ng mga local­ agri-sector ang pagbebenta ng mga karneng baboy at maaari nilang itaas ang presyo depende sa kanilang kagustuhan. Mariing itinanggi ito ng domestic agri-sector. Katunayan, pabor sila sa paghihigpit ng DA dahil makakabangon na ang industriya partikular ang mga magbababoy o mga backyard hog raiser kung tawagin.

Ayon sa agri-sector, maaaring kulang ang karneng suplay sa mga nagpo-proseso sa bansa pero tiniyak nila na sapat ang suplay sa merkado. Tinututukan at pinapalakas ng pamahalaan ngayon ang agrikultura, turismo at imprastruktura dahil dito nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Manood at makinig araw-araw sa Bitag Live! sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5.  Pinoy US Cops – Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4. 

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing araw ng Miyerkules, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

ADMINISTRATIVE ORDER

BITAG LIVE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

KALAW HILLS

PHILIPPINE ASSOCIATION OF MEAT PROCESSORS INC

QUEZON CITY

RIDE ALONG

SYJUCO BLDG

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with