^

PSN Opinyon

Target: Jack Enrile

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TUWING panahon ng eleksyon, naglulutangan ang mga pangit na isyu laban sa mga kandidato. Ngayon, si UNA senatorial bet Jackie Enrile ang pinupuntirya. Walang masama sa paglalantad ng mali pero ang kuwestyonable ay yung timing at intensyon nito.

Lumutang  sa media ang balita tungkol sa isang insidente ng pamamaril na nagdadawit kay Jack, and take note – ito’y nangyari halos 40 taon na ang nakalilipas. Siya raw at hindi ang kanyang bodyguard ang bumaril sa isang Ernest Lucas, Jr. habang nagdaraos ng party sa San Lorenzo Village sa Makati noong Setyembre 1975.

Ayon sa balita, ang ulat ay halaw sa internet, sa WikiLeaks na source daw ng mga confidential na impormasyon ukol sa iba’t ibang gobyerno sa mundo na na-declassify kamakailan lang.

Palibhasa’y pasok si Enrile sa Magic 12 ayon sa mga survey kaya marahil kinaiinitan ng mga katunggali.  Naging biktima na rin ng ganyang demolisyon ang iba pang kan-didato tulad nina  Team P-Noy senatorial bet Chiz Escudero, UNA senatorial bets JV Ejercito at Migz Zubiri, to name a few.  Sana’y totohanin ni Presidente Noynoy ang pahayag na  wala siyang kukunsintihin maging sa kanyang mga manok na gumagawa ng  mga dirty tricks o pandaraya sa eleksyon. In fairness, naniniwala ako na may mga indibidwal na kandidato na gumagawa ng sari-sariling diskarte na hindi puwedeng isisi sa partido.

Ang balita daw ay batay sa pananaliksik ng ex-US envoy sa Pilipinas na si William Sullivan.  Maraming di makapaniwala sa ulat na halatang base lamang sa mga usap-usapan at bulung-bulungan.  Isa pa, di naman trabaho ng  ambassador, lalo pa ng Estados Unidos  ang mag-pulis-pulisan.

 Itinanggi ni Enrile ang akusasyon. Aniya, nagkaroon na ng due process noon pa, masusing siniyasat ang kaso at pagda-ting sa Korte ay naabsuwelto siya.  Napatunayan sa korte na ang kanyang bodyguard na si Sgt. Danilo Cruz ang nakabaril kay Lucas na pinatawan ng parusang pagkakulong ng 12 taon.

Bilang isa nang media practitioner noon, natatandaan kong nag­harap ng leave of absence bilang Defense Minister ang ama ni Jackie na si Juan Ponce Enrile kasunod ng mga pangyayari. Kaya anang batang Enrile, hindi siya gumamit ng impluwen­sya para malusutan ang kaso. Ngayo’y inu­udyukan daw si Jack na magsampa ng libel laban sa mga naninira sa kanya pero hindi na raw niya gagawin ito. Korek iyan Jack. Halata naman kasi ang motibo.

CHIZ ESCUDERO

DANILO CRUZ

DEFENSE MINISTER

ENRILE

ERNEST LUCAS

ESTADOS UNIDOS

JACKIE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with