^

PSN Opinyon

Cabinet secretary… nagbabalak nang kumandidatong Presidente simula pa noong 1995

SABI NI BUBWIT - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang 15 taon ang naging preparasyon ng isang cabinet secretary upang kumandidato sanang Presidente?
Ayon sa aking bubwit, noong congressman pa lamang si Mr. Secretary noong 1995, kinausap niya ang isang kilalang political analyst. Humingi ng payo si Secretary kung  ano ang mga dapat niyang gawin at paghahanda para sa presidential election at kung sakaling manalo siya ay kukunin niyang political adviser ang nasabing political analyst.

Habang sila ay nag-uusap, tinanong si Sir kung kailan siya kakandidatong Presidente, yun pala ay sa 2010 presidential election pa sana. Akala ng political analyst, noong 1998 na dahil 1995 sila nag-usap.

Wow! Ang habang panahon ng preparasyon ni Sir, 15 years. Pero ang malungkot na pangyayari, noong nagbabalak nang kumandidato si Sir, biglang namatay si dating President Cory Aquino. Dito ay nabuo ang concensus ng mga taga-suporta ni dating President Cory na si Sen. Noynoy Aquino na lamang ang patakbuhing presidente. Masakit man ang kalooban ni Mr. Secretary, napilitan siyang umatras.
Ayon sa aking bubwit, ngayong malapit nang matapos ang termino ni P-Noy, muli na namang naghahanda si Secretary at ang binabalak pang runningmate niya ngayon ay si Kris Aquino. Ang Cabinet member na malapit kay P-Noy na naghahandang kumandidatong Presidente simula pa 1995 ay si Secretary R.M.

ANG CABINET

AYON

DITO

KRIS AQUINO

MR. SECRETARY

NOYNOY AQUINO

P-NOY

PRESIDENT CORY

PRESIDENT CORY AQUINO

SECRETARY R

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with