“Mga kabog sa dibdib”
Sa halip na liwanag ang hatid ng kandila ng isang ninong sa binyag, sunog sa relasyon sa inaanak ang sumiklab. Kaya’t nagpasya na silang magsolian ng kandila.
Ito ang nangyari kay Rolly Gual—28 na taong gulang ng Sto. Domingo, Quezon City at sa kanyang ninong sa binyag na si Danilo Deudor—57 na taong gulang.
Taong 2002, labing anim na taong gulang nun si Rolly. Pinipituhan at nakikipagsigawan siya sa isang kabarkada na kanyang tinatawag. Nabigla na lamang siya nung sugurin at kuwelyuhan siya ni Danilo.
“Yang bibig mo itikom mo! Kala mo hari ka ng kalsada!,†galit na sinigaw umano ni Danilo sabay pinagsasapok si Rolly.
Dahil sa nangyaring ito ay nagsampa ang kanyang mga magulang na sina Benedicta at Romeo ng kasong “Physical Injuries in relation to Child Abuse†laban sa kanilang kumpare.
Labing-isang taon nang nakakaraan hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalabasan ng desisyon ang kaso. Hindi nila inaasahan na masusundan pa pala ito ng isa pang sunog.
Enero 8, 2013 nang tanghali, hinahanap ni Benny ang anak na si Rolly. Pagdaan niya ng eskinita mistulang lumiyab ang kanyang mata nung magtama ang kanilang tingin ng nakaalitang kumpare na si Danilo.
“O bakit ganyan ang tingin mo? Para mo akong kakainin ah!,†pairap na sinabi ni Benny sabay dumeretso lang ng lakad.
Pagbalik ni Benny padaan muli sa gawi ni Danilo, tumayo at humarang umano ito nang sadya sa kanyang lalakaran.
“Padaan! Baka masagi kita ikagagalit mo!,†sabi ni Benny.
“P*&^ngina mo! Wala ka ngang malamon! Patay gutom!,†nandidilat ang mata umanong sinigaw sa kanya ni Danilo.
Nagpanting ang tenga ni Benny kaya’t sunud-sunod na pinaghahampas niya si Danilo na siya namang ikinaskip ng dibdib niya dulot umano ng sakit niya sa puso.
“Taran@^& ka pala eh! Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganon! Dahil hindi mo ko pinalalamon!,†sabi ni Benny.
Binabalya patulak ni Danilo ang bawat hampas ni Benny na halos ikatumba ng ale.
Hanggang sa maabutan ni Rolly ang nangyayari at inawat ang kanyang ina. Hinihila na sana ni Rolly si Benny pero pilit pa rin siyang dinudunggol ni Danilo.
“Pagkatapos mo sa’kin nanay ko naman!?,†sinabi ni Rolly.
Natigil na lang ang kaguluhan nung dumating na ang mga tanod ng baranggay. Nagpatala lang sila sa blotter tungkol sa pangyayari. Hindi na sila nagreklamo dahil wala naman silang pinsalang nakuha.
Kinabukasan ikinagulat nila nang makatanggap sila pareho ng patawag mula Baranggay dahil inireklamo sila ni Danilo.
Sa tatlong ulit na paghaharap, bukod sa insidente ng sakitan, lumitaw din ang isang hinanakit ni Danilo. Ito ay nung araw na matyempuhan niyang hinambalos ni Benny ang kanyang alagang aso.
Inamin ni Benny na ginawa niya ito dahil sa perwisyong dala ng pagdudumi ng alaga ni Danilo sa tapat ng kanilang bahay.
Isa lang ang kundisyon ni Danilo para iurong ang kanyang reklamo. “Ang gusto ko, humingi kayo ng dispensa sa buong angkan ko! Pati sa aso kong si Dino! Apektado buong pamilya ko sa ginawa niyo at muntik na akong atakihin sa puso!,†sabi umano ni Danilo.
“Baka gusto pa niyang humalik pa kami sa paa niya. Iyon ang hinding-hindi mangyayari!,†sabi ni Rolly.
Pebrero 15, 2013 nakatanggap sila ng subpoena dahil sa kasong “Attempted Homicide and Grave threat†na sinampa laban sa kanila ni Danilo.
Nais malaman ng dalawa kung papaano bumigat ng ganon ang kanilang kaso.
Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang kuwentong ito ni Benny at ni Rolly.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, walang karapatan ang kahit na sino na sabihan ang isang tao ng masakit na salita, ngunit hindi rin naman tama na bumuwelta ng pisikal na atake itong si Benny. Mayroon naman tayong batas at naroon din ang baranggay upang doon mag-ulat ng reklamo. Pinupunto ni Danilo na alam umano ng mag-ina na may sakit siya sa puso at dahil sa naganap na girian ay muntik na siyang atakihin sa puso. Tahas namang sinasabi ni Benny na hindi niya alam na may sakit si Danilo, at dala ng bugso ng galit dahil sa mapanglait na mga salitang natanggap niya kaya niya nagawa ang ganon.
Sa isang kasong dapat pumasok lamang sa “physical injuries†madalas inaasinta ng mga pulis ang mas mabigat na asunto. Nung mga sandaling nagtatalo sila, hindi naman nila inisip na may sakit sa puso si Danilo. Sa isang “preliminary investigationâ€, kapag ang pinag-usapan ay tangkang pagpatay(“attempted homicideâ€) o nabigong pagpatay(“frustrated homicideâ€) ang hinahanap ng taga-usig ay “intent to killâ€. Sa insidenteng ito, malinaw na mabilis ang mga pangyayri dala ng bugso ng damdamin at init ng ulo na nauwi sa sakitan. Kung gustong patayin talaga ang lalaking ito, diba mas madaling kumuha ng panaksak o baril at gamitin sa kanyan ito?
Ano pa man yun, sa huli dahil sa pag-amin ni Benny na pinaghahampas niya ang dibdib ni Danilo, kung suportado ng “medical certificate†ang mga pinsalang tinamo niya, dito pagbabasehan kung “slight physical injuriesâ€, “less serious physical injuriesâ€, o “serious physical injuries†ang kasong kakabgsakan nito. (KINALAP NI PAULINE VENTURA)
Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784393. Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.
Follow us on twitter: Email: [email protected]
- Latest