^

PSN Opinyon

AGMA grand alumni homecoming

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TINATAWAGAN ng pansin ni Atty. Silverio ‘Biyong’ Garing ang lahat ng Agustin Gutierrez Memorial Academy o AGMA batch 1974  na makipag-ugnayansa kanilang panggulo este mali pangulo pala  na si Ka Biyong para sa nalalapit nna Grand Alumni Homecoming sa March 30, 2013, Don’t forget to call at 8611125 and 8611131 anuman araw at oras huwag lang madaling-araw.

* * * * *

Japanese investor natuwa kay Biazon

NATUTUWA ang mga Japanese investor na naglagak ng billion of dollar na puhunan sa Philippines my Philippines dahil sa aksyon ipinakita ni Customs Commissioner Ruffy Biazon tungkol sa operasyon ng mga smuggler sa aduana.

Bakit?

Binira ni Biazon ang operasyon ng isang Style Appliances Store d’yan sa isang mall sa Mandaluyong City at Pasay City dahil sa pagbebenta ng mga highend Sharp LED TV  set matapos  pumalag ang Sharp Philippines sa reklamo qng mga outlet nila dahil nagbebenta sila ng television sa murang halaga kaya naman sumasadsad ang kanilang kumpanya.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pumalag kasi ang nasabing company at pinaimbestigahan kay Ruffy kung bakit mas mababa ang benta ng kanilang ka-competition na tindahan.

Sa pangyayaring ito ay bumuo ng nintel group si Biazon para tiktikan ang galaw ng Style Appliances Store para malaman kung bakit nga mababa ang bilihan ng TV kaysa sa suggested retail price kumpara sa itinitinda ng mga outlet ng Sharp Philippines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matapos ang pagpupulong ay nagpalabas ng mission order si Biazon para tiktikan ang inirereklamong kumpanya at dito natuklasan ng mga alipores ni Ruffy na wala itong proof of payments of duties and taxes.

Naku ha

Totoo kaya ito?

‘Noon pang sinasabi ni Biazon na tigilan na ang mga ga­nitong uri ng sistema dahil hindi siya nangingiming ipagharap ito ng kaukulang kaso sa korte,’

‘Pinaiimbestigahan din ni Biazon kung paano nakalusot ang mga television sa Philippines my Philippines .’ Sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Pinaaalam din ni Ruffy kung may mga tauhan siyang kausap ng mga ito para  malaman kung bakit ito nakalabas sa aduana.’

Abangan.

vuukle comment

AGUSTIN GUTIERREZ MEMORIAL ACADEMY

AYON

BIAZON

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

GRAND ALUMNI HOMECOMING

RUFFY

SHARP PHILIPPINES

STYLE APPLIANCES STORE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with