^

PSN Opinyon

Editoryal - Daming illegal campaign materials na nakahambalang

Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang linggo, ipinagmalaki ng spokes­man ng Commmission on Elections (Comelec) na kakaunti ang mga nagkakabit o nagdidikit ng campaign materials sa mga pader mula nang mag-umpisa ang kampanya para sa mga tatakbong senador at partylists representative. Inihalimbawa pa ni Spokesman James Jimenez ang Quiapo underpass na kakaunti ang nakadikit na posters. Kung ikukumpara raw sa nakaraang 2010 elections, lubhang kakaiba ngayon sapagkat sumusunod ang mga kandidato. Pati raw ang kahabaan ng Taft Avenue ay malinis at wala ring mga nakadikit o nakasabit na campaign posters o streamers.

Pero kung iikutin lamang ng Comelec ang buong Metro Manila, makikita na maraming nakahamba-lang na campaign materials. Wala ngang posters o streamers ang mga senador at partylists pero ang mga tatakbo para sa local posts ay namumutiktik na sa dami. Hindi pa nag-uumpisa ang kampanya para sa local positions pero matagal na silang nakabandera at naipakilala ang pangalan at mukha sa publiko. Kaya kung magkakaroon ng pagbabaklas (kung tototohanin ng Comelec ang banta) wala na ring silbi sapagkat matagal nang nakawagayway ang strea-mers ng mga kandidato para sa mga kongresista, mayor, vice mayor at iba pang local positions.

Maraming nilalabag ang mga kandidato sa local position. Nagdidikit sila ng posters sa mga pader na hindi naman dapat dikitan. Pinipinturahan nila ang pader at doon isusulat ang kanilang pangalan. Pati ang mga cable at telephone wires ay hindi nila pinatatawad. Sinasabitan nila ito ng streamers. Lubhang delikado ang sinasabit nilang streamers sapagkat may pabigat na bato. Kapag lumakas ang hangin, ma­aaring bumagsak at tumama sa mga nagdaraang sasakyan o pedestrians. Ang ilang campaign mate-rials ay sa mismong traffic light pa inilalagay dahilan para hindi makita ng drivers ang signal light.

Ito ba ang sinasabi ng Comelec na sumusunod ang mga kandidato sa Fair Election Act? Ka­ilangang umikot o pasyalan ng Comelec ang ma­raming lugar sa Metro Manila para makita ang paglabag. Baklasin ang illegal campaign mate-      rials. Ipatupad ang batas. Dito makikita kung may “ngipin” ang Comelec.

 

BAKLASIN

COMELEC

COMMMISSION

FAIR ELECTION ACT

METRO MANILA

PATI

SPOKESMAN JAMES JIMENEZ

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with