To the rescue!
HINDING-HINDI ko makalimutan kung paano nasiraan ang dalawang trailer na may lulan na dalawang container van na puno ng 1,200 na tig-25 kilos na sako ng bigas na bahagi ng relief mission ng Operation Damayan ng STAR Group of Companies sa Upper Barangay Ngan, sa Compostela, Compostela Valley noong February 3.
Nasiraan ang dalawang trailer sa gitna ng makitid na daan sa kabundukan ng Sitio Ambahaw patungong Upper Barangay Ngan.
Kung naging mahina lang ang loob ng 3-man STAR team ay talagang pababayaan na lang ang kargang bigas at hindi na aakyat pa na may kalayuang 19 kilometro pang tatahakin hanggang maabot ang distribution site na kung saan isang 1,200 pamilya ang naghihintay sa nasabing bigas.
Ngunit talagang hindi pupuwedeng hindi makarating ang mga bigas sa mga biktima ng bagyong Pablo na naghihintay sa pagdating ng Operation Damayan relief mission.
‘Ika nga “if there’s a will, there’s a way†at “no retreat, no surrender†lang naman ang peg at talagang nagpursige kaÂming maghanap ng paraan na madala talaga ang mga kaban ng bigas sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo.
At doon ko napatunayan na talagang buhay ang “baÂyanihan spirit†sa ating mga Pinoy lalo na noong Operation Damayan relief mission namin sa Upper Barangay Ngan. Likas na matulungin ang mga Pilipino.
Nakakaantig damdamin at talagang lumukso ang puso ko sa galak noong nakita kong parating ang dalawang malalaking dump trucks na may lulan na higit 30 na mga kalalakihan na handang tumulong sa paglipat ng bigas galing sa container vans patungo sa dump trucks.
Ang mga biktima ng Bagyong Pablo ang tumulong upang makarating ang mga kaban ng bigas sa Upper Barangay Ngan. To the rescue agad sila at talagang nabuhayan kami ng loob nang marating namin ang distribution site.
Ang sabi nga ng mga tumulong ay --- nagbubuhat nga raw sila ng bato o di kaya’y buhangin na hindi makakain ‘yon pa kaya na bigas na ang dala namin.
Ang nangyari sa Sitio Ambahaw ay isang halimbawa lang sa pagtutulungan na nangingibabaw sa Operation Damayan, na charitable arm ng STAR Group of Companies. Ganundin sa mga hindi na mabilang na mga donors at volunteers ng Operation Damayan na walang sawang nagbibigay upang magpatuloy ang layunin ng nasabing mission.
Buhay na buhay ang diwa ng pagtulong na naging buod ng Operation Damayan kung saan ito ay patuloy nagsusumikap na maabot at marating ang mga nangangailangan nating mga kababayan.
- Latest