Ipokritong politika!
ANG hirap sa ilang politiko, gumagawa ng mga pangakong napapako. Klasikong halimbawa ang yumaong Freedom of Information (FOI) bill na nabigong mapagtibay ng kasalukuyang Kongreso.
Isa iyan sa mga campaign promises ni Presidente Noy Aquino nung nangangampanya pa na ang layunin ay magkaroon ng transparency sa pamahalaan at maiwasan ang corruption.
Eleksyon na naman sa Mayo at payo sa mga kumakandidato sa ano mang posisyon, ilantad ang tunay na paninindigan sa ano mang isyu at huwag mangako nang hindi matutupad para lamang iboto ng tao.
“Macabre murder.†Ganyan inilarawan ng Philippine Press Institute ang panukalang batas na hindi pinag-ukulan ng pansin ng mga mambabatas. Ibig sabihin “karumaldumal na pagpatay.â€
Kung ito’y sinertipikahan bilang urgent ng Pangulo, batas na sana ito ngayon. Pero lumitaw ang tunay na paninindigan ng Pangulo sa isyu. Ayaw talaga niya sa FOI na magbibigay ng karapatan sa taumbayan para masilip ang paggastos sa pera ng bayan at sa operasyon ng pamahalaan.
Anang PPI, dapat ganito ang ilalagay sa lapida ng kinitil na FOI bill: “ Killed by official sloth, pride, and greed. Killed by politicians who lie on their promises and shirk from their duty to the peopleâ€.
Hindi lang naman mga taga-media ang naggigiit sa FOI. Ito’y nais din ng mga mamamayan dahil sino ba ang tatanggi sa transparency para nakikita kung paano ginagamit ang buwis na binabayaran sa gobyerno?
Ayaw kong sisihing ganap ang Pangulo. I give him the benefit of the doubt na noong kumakampanya siya, sinsero ang kanyang pahayag na sinusuportahan niya ang FOI. Pero nag-iiba yata talaga ang pananaw ng isang tao kapag naluklok na sa matayog na kinaroroonan. Maaaring may mga influential factors na hindi niya matanggihan. Ewan ko. Pero talagang hindi ko makita ang lohika sa pagtanggi sa FOI kung ang hangad mo’y maayos na pamahalaÂang walang katiwalian.
- Latest