^

PSN Opinyon

Editoryal - Ipagpatuloy, pagbasag sa mga ‘bugok’ sa PNP

Pilipino Star Ngayon

MARAMING “bugok” sa hanay ng Philippine National Police (PNP). Ang mga “bugok” na ito ang dahilan kaya mababa ang pagtingin ng mamamayan sa PNP. Makita lang asul na uniporme ng pulis, iba na ang nasa isip ng mamamayan. Ilang beses nang nagpalit ng uniporme

ang mga pulis mula nang itatag noong Enero 29, 1991 subalit wala pa ring pagbabago.

Marami ang naniniwala na kaya hindi maiangat ng  PNP ang kanilang imahe ay dahil sa ginaga­wang kabuktutan ng mga PO1 at PO2. Dahil sa kanilang ginagawang pag-abuso sa kapangyarihan kaya lalong lumulubog sa kumunoy ang PNP. Dagdag din naman ang

ginagawang pagmama-labis ng ilang opisyal kaugnay sa pag-aresto ng mga suspek. May mga pulis na inaakusahang pumapatay para lamang malutas ang kaso. May mga lumalabag sa checkpoint kagaya nang nang­yari sa Atimonan, Quezon noong Enero 6 na nag­resulta

sa pagkamatay ng 13 tao.

Nagdiwang ng ika-22 anibersaryo ang PNP noong Martes at ang pagdiriwang ay nataon sa panahong maraming kinasasangkutang isyu ang ang mga miyembro ng PNP. Mga sariling miyembro ang naglulubog sa kanilang organisasyon. Halimbawa na lamang ay ang kaso

ng dalawang pulis sa Pasay na inakusahang nanggahasa sa asawa ng kanilang inarestong lalaki na umano’y umiihi lamang pero tinaniman nila ng shabu sa bulsa. Ang dalawang pulis – sina Police Officers 1 Jonathan Castro at Marvin Panaga ay inaresto ng mga kapwa

pulis at sinampahan na ng kaso. Ayon sa babae, nangyari ang panggagahasa sa kanya at pag-extort habang inaayos niya ang paglaya ng kanyang ka-live-in na hinuli ng dalawang nabanggit na pulis. Sa mismong patrol car umano siya ginahasa ng pulis.

Karaniwan na ang ganitong pangyayari. Marami pang mga “bugok” na nagpapalubog sa PNP. Kung nais ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima na maibangon ang imahe ng organisasyon na kanyang pinamumunuan, huwag tumigil sa pagbasag sa mga “bugok”. Mahahawa

ang iba pang mabubuting “itlog” kapag hindi inalis ang masamang itlog.

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ENERO

JONATHAN CASTRO

MARAMI

MARVIN PANAGA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PNP

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with