SA ngalan ng patas na halalan, naglabas ang Comelec ng mga alituntunin. Mumultahan at ididiskwalipika ang kandidato at partido na lalabag. Kasi nga naman dinadaan na lang sa payamanan o pasikatan (sa showbiz) ang kam-panya, imbis na sa plataporma. Matindi rin ang mapang-abusong gamit ng media. Merong kandidato sa lokal na mismong may-ari ng mga pahayagan at istasyon ng radyo, kaya isinusulong sila at sinisiraan ang katunggali.
Mabuti ang pakay, pero kabalbalan ang mga pamamaraan. Kasi, hindi sumangguni ang Comelec sa mga eksperto. Ilang ehemplo:
• Kinikilala umano ng Comelec na merong mga pagkakataon na ang mga kandidato ay lalabas sa lehitimong newscast o panayam -- hindi bayad na ad o kumikil-yang coverage. Halimbawa ‘yung merong kinalaman sa kanilang linya ng expertise, tulad ng krimen. Pero, anang Comelec, para patunayang lehitimo ang newscast o panaÂyam, dapat ipaabruba muna ito sa ahensiya, at bigyan ng kaparehong oras o espasyo ang katunggali sa parehong oras ng broadcast o pahina ng pahayagan. Aba’y kung gan’un, hindi dapat tumungo sa sakuna para tumulong sa mga biktima o mag-utos ng rehab ang mayor na reelectionist. Kasi baka makunan siya sa camera at lumabas ang balita nang walang pahintulot ng Comelec. Patay, disqualified siya!
• Bawal ang kaparehong simbulo o kulay ng kampanya sa mga proyekto ng kandidato. Utos na baklasin ang mga proyekto para hindi ituring na panlalamang sa kampanya. Kung gan’un, gibain dapat ng mga “epal†na kandidato lahat ng ipinatayong waiting shed, overpass, o ospital na kakorte ng initials ng pangalan o kakulay ng campaign jackets nila. Milyon-milyong-pisong infrastructures wawasakin!
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com