^

PSN Opinyon

Political will para sa total ban ng mga paputok

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Now is the time para pag-aralan ng gobierno ni P. Noy ang pagbabawal sa lahat ng uri ng paputok na binibili ng madlang people every time maghihiwalay ang taon.

Sabi nga, political will lang ang kailangan ng government of the Republic of the Philippines my Philippines.

Hindi biro ang lakas ng mga paputok na ginagawa ngayon parang mas malakas pa sa dinamita kung pagbabasihan ang tindi ng lakas, hindi lang nakaka-putol ng mga daliri, kamay o nakaka-bulag kundi nakakamatay na rin.

Ika nga, delikado at nakakatakot talaga!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na kayang kontrolin ng mga manufacturer ang mga ginagawa nilang sobrang lakas na paputok dahil kung hindi nila ito gagawin ay aamagin ang kanilang paninda at hindi sila kikita sa rami ng kanilang mga kakompetensiya ngayon tulad ng mga imported pyrotechnic.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, multi-billion pesos ang industriya ng mga paputok hindi ito birong salapi. Ang mga gumagawa nito ay halos triple o limang doble ang kinikita sa puhunan nilang inilalabas.

Ika nga, tubong lugaw!

Tama din naman!

‘para walang disgrasiya mas maganda i-total ban na ang mga paputok,’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

Eng. Ramon A. Cacatian ng DPWH

PARA sa malaya at patas na pamamahayag bibigyan natin ng espasyo si Eng. Cacatian tungkol sa mga isinulat ng mga kuwago ng ORA MISMO, kamakailan.

Nagkausap kami ni Eng. Cacatian at Atty. Alfin Laya sa isang resto dyan sa Morato, Quezon City para pasinungalingan ang mga isinulat ng mga kuwago ng ORA MISMO, tungkol sa kanya.

Itinanggi ni Cacatian, ang mga akusasyon na ipina-remodelled, ipinagawa o ipinaayos ang ‘old house’ nila sa Isabela na minana pa niya sa kanyang mga magulang.

Ayon dito, ang nasabing bahay ay nakatirik sa 372 metro-kuwadradong lupa pero ito aniya ay mas luma na ngayon kaysa dati dahil nabubulok na rin ang mga kahoy nito,.

Itinanggi rin ni Cacatian na hindi sila nakatira sa isang ‘mansion’ house tulad ng lumabas sa litrato dahil ang bahay sa litrato ay duplex house at isang pinto lamang dito ang kanila dahil ang isa ay pag-aari naman ng kanyang sister-in-law.

Sabi ni Cacatian, ordinary duplex lamang ang kanilang bahay at gawa sa ‘common materials.’ ito aniya ay naka-deklara sa kanyang SALN.

Ayon pa kay Cacatian, ang bahay nila ay nakatayo sa 94 metro-kuwadrado lamang at ang kabuuan ng area ay 144 square meters at sa kanyang sister in law ay nasa 125 square meters naman.

Kuento ni Cacatian sa Chief Kuwago, wala siyang binili o pag-aari na mga bagong SUV’s o kotse. Isa lamang ang kanyang sasakyan, ito ay isang second hand na kotse na binili niya sa murang halaga at deklarado sa kanyang SALN.

Si Cacatian ang OIC- Project Director ng SBP - PMO ng DPWH.

Nakipagkita sa Chief Kuwago si Cacatian para pabulaanan ang mga akusasyon laban sa kanya kaya naman dahil patas ang mga kuwago ng ORA MISMO at sa malayang pamamahayag ay inilathala natin ang aming pag-uusap.

ALFIN LAYA

AYON

CACATIAN

CHIEF KUWAGO

IKA

ITINANGGI

KUWAGO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with