^

PSN Opinyon

Pananalasa ni Pablo

DOKTORA NG MASA - Sen Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

KAMI ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada at ang buong pamilya Estrada ay nakikisimpatiya sa mga nasalanta ng bagyong Pablo.

Ayon sa PAG-ASA, si Pablo, na nakapagtala ng lakas ng hangin na umabot ng 185 kilometers per hour, ang maituturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa Mindanao sa nakaraang dalawang dekada.

Pero masyado umanong kakaiba ang bagyong ito, lalona ang naging “pattern and formation” nito. Sinabi naman mismo ng mga residente na ngayon lang sila nakaranas ng ganitong pangyayari, at ngayon lang sila ng nakakita          ng bagyo na kayang magpatumba ng mga puno.

Grabe talaga ang naging pananalasa ng bagyo. Maraming namatay at marami pang nawawala. Libu-libong bahay ang nawasak. Napakaraming pamilya ang nasa evacuation center at tinatayang doon na magpapasko. Winasak din nito ang napakaraming kabuhayan lalo na ang mga bukirin.

Sa pinaka-huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay uma­bot sa P6.08 bilyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyo sa agrikultura, imprastraktura at mga ari-arian.

Mahigit namang 5.4 milyong katao ang inilikas, kung saan 368,672 sa mga ito ay nananatili pa sa mga eva­cua­tion center.

Bukod sa problema sa pagkain at iba pang supplies para sa mga ito ay pinangangambahan din ang posibleng maging pagkakasakit ng marami dahil sa pagsisiksikan sa evacuation centers.

Si Jinggoy ang nag-akda ng panukalang Compre­hensive Disaster Management Act na pangunahing pinagbasehan ng naging Republic Act 101211 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Aniya, kailangang paig­tingin ang pagpapatupad ng mga probisyon ng na­tu­rang batas partikular ang “development and opera-tio­nalization of a disaster management program to handle and address disaster issues in their totality, encompassing the aspects of prevention, mitigation, pre­­paredness, emergency ope­­rations, relief and rehabilitations.”

Dapat din aniyang pa­tu­loy na palakasin ang ka­­ pasidad ng mga lokal na pa­ma­halaan at mga ko­muni­dad sa pagtugon sa mga bagyo at iba pang kalamidad.

ANIYA

DISASTER MANAGEMENT ACT

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT ACT

REPUBLIC ACT

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SHY

SI JINGGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with