^

PSN Opinyon

Rep. Teodorico T. Haresco nagsalita sa ‘oil peak’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI biro ang ibinida ni Ang Kasangga partylist Rep. Ted Haresco sa mga kuwago ng ORA MISMO,  na magkaka-”oil peak” sa taong 2015 kaya naman ngayon pa lamang ay dapat na itong paghandaan ng government of the Republic of the Philippines my Philippines.

Sabi nga, laking perwisyo ito hindi lang sa ekonomiya kundi sa madlang people!

Ayon kay Haresco sa mga kuwago ng ORA MISMO, habang maaga ay kailangan mahikayat si P. Noy para muling pag-aralan ang energy profile nito upang maprotektahan ang Philippines my Philippines mula sa epekto ng patuloy na pagtaas ng halaga ng krudo.

Kuento ni Haresco sa mga kuwago ng ORA MISMO, na maa­ring baguhin ng pamahalaan ang mga taripa na ipinapataw sa mga alternatibong enerhiya at iyong mga tinatawag na e-vehicles upang mas makahikayat sa local industry na mag-invest sa mga green energy.

Tama nga naman!

Ipinaliwanag ni Haresco sa mga kuwago ng ORA MISMO,  ang “Peak Oil” theory ang natural oil reserves worldwide ay tinatayang bababa ng below 50%, habang magiging napakahirap at magastos para makakuha pa ng karagdagang source ng langis. Ito umano ang isa sa mga magiging batayan ng presyuhan worldwide.

Ayon kay Haresco, ang mga mauunlad na bansa ay pinalalakas na ngayon ang kanilang green fuels bilang alternatibong enerhiya na ang presyo ay abot kaya kahit bultuhan.

Si Haresco pala ang nag-pioneer ng solar at battery powered E-trike, isang public utility vehicle na hindi gumagamit ng petroleum products, kaya walang usok at noise pollution free.

Maganda!

Sabi ni Haresco, tataas ang take home na kita ng mga tricycle drivers na masyadong nabugbog sa oil price hike. Malaki din ang potensiyal kung ang Philippines my Philippines ang magma-manufacture, magbebenta at mag-i-export ng teknolohiyang ito.

Hinimok ni Haresco na dapat bilisan ng pamahalaan ang  paghahanap ng lokasyon para sa pag-developed ng natural gas at oil deposits.

Abangan.

Paje may problema

TILA malaki ang problema ngayon ni DENR Secretary Ramon Paje kasi tinalaban este mali tinabla pala siya ng DOJ para sa legality ng isang isang kamoteng  mining permit na ibinigay ng office niya during the time President Gloria Macapagal Arroyo  sa Bayog, Zamboanga del Sur.

Ang pinaguusapan nating mining permit ay ang ibinigay sa Lupa Pige-getawan Mining Corp., na inuungkat ni Zamboanga del Sur Governor Antonio Cerilles laban kay Paje na inirereklamo ng una.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon time ni GMA ay bidang-bida sina Paje at ang mga bossing nito sina dating DENR Secretaries Lito Atienza at Mike Defensor na sinasabing mga batang sarado ni Gloria?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa si Cerilles ang tumututol sa nomination niu Paje sa CA kaya naman pirming lagapak ito doon.

‘Marami pang kuento kaya lang kapos ang kolum ng Chief Kuwago’

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ANG KASANGGA

AYON

CHIEF KUWAGO

HARESCO

KUWAGO

LUPA PIGE

PAJE

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with