ZTE, isa pang Chinese telecoms, banta sa US
Mantakin ninyo, kung hindi napigilan ang maanomalyang NBN-ZTE deal noong 2007, grabe ang kahihinatnan sa seguridad. Malamang na sinasabotahe na ngayon ng China ang telecommunications ng Pilipinas! Ito’y dahil galit ang China sa atin (at sa Vietnam) dahil sa pagkontra natin sa pag-agaw nila sa buong South China Sea.
Isang National Broadband Network sana ang itatatag sa halagang $329 milyon (P16.5 bilyon). At halos $200 milyon (10 bilyon) du’n ay suhol ng ZTE kina President Gloria at First Gentleman Mike Arroyo. Ikakabit sana ng ZTE sa isang sistema ang mga cell phones, landlines, at Internet ng lahat ng ahensiya, sangay, at computers ng gobyerno. ZTE rin ang magpapatakbo ng NBN. Kung nagkataon, ineespiyahan na nila o pinababagsak ang komunikasyon ng gobyerno. Hindi pa man naggi-giyera, talo na kaagad tayo.
Aba’y lumabas na ang report ng isang taong pag-iimbestiga ng United States Congress sa ZTE at Huawei. At napatunayan ang sinusulat ko noon pang 2007, na’ng i-expose ko ang ZTE scam. Kabilang dito:
Ang ZTE ay pag-aari ng mga heneral ng China, samantalang ang Huawei ay pinamumunuan ng mga anak ng matataas na opisyal ng naghaharing Chinese Communist Party.
Iniimpluwensiyahan ng kataas-taasang pamunuan ng Beijing ang operasyon ng dalawang dambuhalang telecoms; ZTE ang ika-lima at Huawei ang ikalawang pinaka-malaki sa mundo.
??Maaring magtanim ng bugging devices, computer virus at worms, spyware, malware, at iba pang pan-sabotahe ang sistema, equipment, at maliliit na spare parts ng ZTE at Huawei.
Nanunuhol sila para makakuha ng malaking kontrata.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest