GAYUNPAMAN, samantalang gagawing handa ang mga kontraseptibo lalo na para sa mga mahihirap na kababaihan, mayroon pa rin silang kalayaan na piliin kung gagamitin ang mga ito o hindi.
Maliwanag na hindi pinahihintulutan ng ating mga batas ang sinuman, maging ang mahihirap na kababaihan, ng kalayaan na pumatay ng bata sa kanilang sinapupunan sa paggamit ng kontraseptibo na magiging dahilan ng aborsyon.
Ngunit kailangan pa rin natin ang RH Bill para mapigilan ang paglaki ng populasyon sapagkat lubhang marami na ang populasyon ng ating bansa na siyang mala-king sanhi ng kahirapan at kakulangan ng silid-aralan.
Maaaring ang ating populasyon ay lumalaki ngunit hindi pa sobra ang populasyon. Masyado lamang ang konsentrasyon ng populasyon sa mga lungsod at kabayanan. Makikita sa estadistika ng World Bank na ang paglaki ng ating populasyon ay panay ang bumababa mula sa 3.3% noong 1960 hanggang sa 1.7% noong 2011.
Ang katiyakan ayon sa “Emerging Markets Equity Team” ni Morgan Stanley ay “ang ating lumalagong populasyon ay hindi problema” kundi isang “malaking kapakinaba-ngan sa kabuhayan” sapagkat ang konsentrasyon ng tao at kabuhayan ay nagbubunga ng kaunlaran. Sabi nga ni Gob. Tetangco ng Bangko Sentral ng Pilipinas, “Samantalang ang ibang bansa ay humaharap sa mga problema ng tumatandang populasyon, ang Pilipinas naman ay handa nang pumasok sa kanyang ‘matamis na lugar sa daigdig’ (demographic sweet spot). Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang humahabang panahon ng tumataas na kabuhayan ay
sumasabay sa mga bansang pumapasok sa ganitong panahon”. Kaya nga kahit ang Wall Street Journal ay nagbanta na maaaring mapahinto ng RH bill ang lumalagong kabuhayan ng ating bansa.