^

PSN Opinyon

'Sayaw ni Nene'

- Tony Calvento - The Philippine Star

Umuusbong sa yugto ng kabataan ang mga katanungan at kapusukan, kung hindi gagabayan, baka mabubog sa maling landas.

Ito ang naging pangamba ng inang si Carmela Relos—35 na taong gulang, para sa 13 na taong gulang na anak na si “Lalaine”(hindi tunay na pangalan) ng Antipolo City.

Kung maitatali lang daw sana sa beywang ang dalagitang anak, para masigurong hindi ito mapariwara, ginawa na niya.

Hindi niya malaman kung paanong sisi ang gagawin sa sarili habang isinasalaysay ang nangyari sa kanyang anak.

Hulyo 10, 2012 nang alas-2 ng hapon, sumaglit ng alis mula sa paglalabada si Carmela para silipin ang dalawang paslit na anak.

Tinanong niya sa mga ito kung pumasok na sa eskwela si Lalaine.

“Pumasok na po. Mama, si ate po parang ewan, nakapantalon sa loob tapos nakapaldang uniform,” sabi ng bunso.

“Baka magpapraktis lang ate mo ng sayaw sa iskul,” sagot niya.

Nung mag-5:30 ng hapon, hindi pa dumadating si Lalaine. “Malapit lang naman sa amin yung eskwelahan kaya nagtaka ako,” sabi ni Carmela kaya naisipan niyang puntahan ito para tignan.

Nang makausap ni Carmela ang titser ni Lalaine, “Tatlong araw na po siyang hindi pumapasok. May sakit po ba si Lalaine?”. 

Masama ang kutob ni Carmela kaya’t tinawagan agad ang anak.

Pagkalipas ng isang oras ay ‘di pa rin siya sinasagot nito.

Tinawagan niya ang matalik na kaibigan nitong si “Yna”—16 anyos (‘di tunay na pangalan) at tinanong kung magkasama sila.

“Hindi po kami magkasama, pauwi na po ako,” sagot ni Yna.

Sa tono ng pakikipag-usap ni Yna nadama ni Carmela na may pinagtatakpan ito. Pagkatapos ng mahabang pakiusapan, nalaman niyang nasa Boso Boso daw si Lalaine. Nagalit siya sa narinig at agad nagpasama sa hipag para puntahan ang anak.

Kasabay ng pagrolyo ng mga paghahaka sa kanyang isip ang pag-ikot ng tagay ng alak sa isang lumang bahay na kinaroroonan ni Lalaine.

Bumibigat na ang pakiramdam dulot ng kalasingan ang magkakaibigang “Lalaine”, “Jena”—13-anyos, “Eric”—17-anyos, “Jelo”—17 -anyos at “Carlo”(lahat ay ‘di tunay na mga pangalan) matapos masimot ang isang bote ng Emperador.

Iba ang kabog ng dibdib ni Carmela habang palapit nang palapit sa kinaroroonan ng anak.

Sa sinumpaang salaysay ni Lalaine, pagkatapos daw maubos ang isang bote ng alak, humiga sila nina Jena at Eric sa isang kutson hanggang siya’y tuluyang nakatulog.

Naalimpungatan na lang daw siya dahil sa harutan ng dalawang katabi. Nilibot niya ng tingin ang paligid at may naaninaw na lalaki sa pinto.

Narinig daw niyang nagsabi ito kay Jena at Eric na, “Labas muna kayo, kami muna ni Lalaine”.

Tinabihan siya nito, at nalamang ito’y si Carlo nang bumulong na sa kanya ng, “Gawin natin yung ginawa ‘nyo ni Eric”.

Pagkasabi nito’y pinaspas daw siya ng halik sa labi pababa sa kanyang dibdib. Naghahalo ang amoy ng laway, pawis at alak habang mistulang nakasakay sa tsubibo ang ikot ng paligid para kay Lalaine.

Hanggang sa naramdaman niya na hinatak nito pababa ang kanyang pantalon. Madalian namang naghubad ng suot na shorts at brief si Carlo at saka ibinuka ang kanyang hita sabay patong sa kanya.

Napasigaw si Lalaine nung tanggalin ni Carlo ang kanyang panty.

Agad itinutok ni Carlo ang kanyang ari sa pagitan ni Lalaine. Hindi niya magawang bumangon sa bigat ng pagkakadagan sa kanya ni Carlo.

Kwento ni Carmela, hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam niya sa biyahe. “Parang may nakadagan sa dibdib ko. Parang naka-angat yung pagkakaupo ko sa jeep. Hindi ako mapakali hanggang hindi ko natutunton kung nasa‘n ang anak ko,” kwento niya sa amin.

Pinilit daw ni Carlo ang sarili kay Lalaine. “Masakit ba?,” tanong nito sa kanya. “Oo! Tama na!,” sabi ni Lalaine.

Kwento pa ni Carmela, “Parang may nakabarang bato sa lalamunan ko nung papalapit kami ng papalapit dun sa lugar,”.

Samantala, hinang-hina si Carlo na humiga sa tabi ni Lalaine at sila’y naidlip. Nagising na lamang si Lalaine sa tawag ni “Jena”.

“Laine, gising ka! May naghahanap sa’yo.” Pagmulat ng mata ni Lalaine, narinig niyang may pamilyar na boses na tumatawag sa kanya.

Pagbungad, nakita ni Carmela sa siwang ng pinto ang bag ng anak. Pinagbuksan siya ni Carlo. Pagpasok niya, nakita niya si Lalaine na lupaypay na nakaupo at wala sa tamang wisyo.

Deretsahang nagtanong si Carmela, “May nangyari ba sa inyo!?”.

“Grabe ka naman ‘te! Magkaibigan lang po kami!,”sagot ni Carlo.

Tikom ang bibig ni Lalaine. Hiniling ni Carmela na tawagin ni Carlo ang nanay. Napilitan itong sunduin ang ina ngunit hindi sila nag-abot.

Ayaw magsalita ni Lalaine tungkol sa nangyari, at dahil dito dinala siya ni Carmela sa pulis. Pangamba ni Carmela na nagahasa ang anak.

Sinampahan niya si Carlo ng kasong panghahalay. Napatunayan sa medical certificate na ginalaw nga ang kanyang anak.

Palaisipan kay Carmela kung bakit nakakalaya ngayon si Carlo buhat sa pangangalaga ng MSWD kaya’t inilapit niya sa amin ang kanilang hinaing. Nakakatanggap pa umano ng text si Lalaine mula kay Carlo na hindi na siya makukulong at nakakapag-inom pa kung kailan niya naisin.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang problemang ito ni Carmela.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, bukas na komunikasyon at wastong patnubay ang kailangan sa pagitan ng mga anak at magulang. Naiwasan sana ang ganitong pangyayari kung naipapaliwanag sa mga lumalaking mga kabataan ang mga posibilidad ng sobrang pag-inom ng alak at pakikibarkada. Kung may pag-unawa si Lalaine sa mga panganib na maidudulot ng maagang karanasan sa ‘sex’, nalaman niya sana ang nararapat na ‘pagtanggi’ sa ano mang buyo. Ang magulang una sa lahat ang may responsibilidad sa pagtuturo sa anak sa mga ganitong klase ng usapin para malaman nila kung paano lumikha ng sariling limitasyon.

Hawak ng MSWD Antipolo City ang kasong ito alinsunod sa RA 9344 o Juvenile Justice and Welfare Law dahil sa labing-pitong taong gulang ang edad ng akusado. Nung nakaraang pagdinig nung Setyembre 19, hindi pinayagan ang isinampa ng ina ni Carlo na “petition for recognizance”, kung saan aakuin niya responsibilidad sa pag-‘monitor’ sa anak, at ang parusa sakaling magtangkang tumakas ito. (KINALAP NI PAULINE GRACE F. VENTURA)

 Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784393 . Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

Follow us on twitter: Email: [email protected]

ANAK

CARLO

CARMELA

JENA

LALAINE

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with