LTFRB/LTO read this
HINDI lang isa beses, dalawa o tatlo ang nakausap ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na nagrereklamo sa pinaggagawa ng ilang mga gagong tsuper ng taxi during ‘rush hour.’
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga nabiktima na pasahero ay galing Kyusi papunta sa mga trabaho nila sa Makati City tsuper ng taxi ang culprit dahil bukod sa plug down rate ay sinisingil pa sila ng P50.00 additional sa bayad nila kapag bumaba na sila ng sasakyan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinasamantala ng mga gagong tsuper ng taxi ang mga pasahero nila lalo na sa umaga ang sinasabing dahilan ay masiadong traffic sa EDSA kaya additional P50.00 sila sa kabuuan bayad.
Wala naman magawa ang mga pasaherong nabiktima dahil mapapaaway lamang sila sa mga tsuper dahil karamihan na nabibiktima ng mga kamoteng ito ay mga bebot.
Siguro dapat aksyunan ito ng LTFRB at LTO!
Nananawagan ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga nabiktima na kunin ang mga plate number, pangalan ng taxi, anong oras nangyari at saka ireklamo sa mga autoridad.
Abangan.
Iharap sa akin ang mga pulis - Lim
PINAPAHANTING ni Manila Mayor Fred Lim ang 11 miembro ng Manila Police Distirct Station 4 dahil sa sumbong na pangongotong ng biktima dinalihan ng P1 million.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Crying sa office ni Lim ang isang Belinda Placido, isang Canadian national at narito sa Philippines my Philippinee para magbakasyon sa kanyang province sa Zambales.
Binitbit si Belinda at dinala sa MPD Station 4 para panagutin sa isang kasalanan hindi niya ginawa ang pag-master sa pananaksak sa anak ni SPO-3 Sonny Nosidal kaya para hindi siya makulong at makasuhan P1 million ang kinokotong na salapi sa biktima.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Lumutang na sina PO1 Joseph Vistan at SPO3 Nosidal pero sina SPO1 Renato Gregorio, PO3 Mike Pornilos, PO2 Josefino Callora, PO2 Rolando Ladres, PO2 Dennis Tabliso, PO2 Ryan Malacad, PO2 Laurence Sagum, PO1 Journey Joy Asayo at isang John duo ay ipinahahanap ni Lim.
Hindi biro ang sumbong ni Placido kay Lim kaya naman sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang malamang na isumpa este mali isampa pala na kaso sa mga ito ay kidnap for ransom kung mapapatunayan na totoo ang ibinibintang sa mga cop.
Sabi ng nagrereklamo pinilit siyang isama sa Maynila kahit walang arrest warrant na ipinakita sa kanya.
‘Masabit kaya sa command responsibility ang hepe nilang si Supt. Roland Balasabas?’ Tanong ng kuwagong nabukulan.
‘Grabe ang nangyari kaya dapat imbestigahan ng husto ito,’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Hindi naman lahat ng police ay masama may ilan lang kaya naman nasisira sila sa madlang people.’
Abangan.
- Latest
- Trending