^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Krimen kahit saan

- The Philippine Star

NAKAPANGANGAMBA na ang mga nangyayari sa kapaligiran. Patuloy ang pagtaas ng krimen at walang magawa ang Philippine National Police (PNP) kung paano mapoprotektahan ang mamamayan. Madalas naming talakayin ang kakula-ngan ng mga pulis sa lansangan lalo sa gabi pero walang epekto sa mga namumuno sa PNP. Totoong may napapatay na mga holdaper ang mga pulis pero ang kapalit niyon ay mas matindi namang pagsalakay sa mga establisimiyento. Pinapasok na ang mga establisimiyento sa gabi at saka nanakawan at ang sinumang magtangkang lumaban ay binabaril ng mga holdaper. Kahit sa araw, walang takot na sumasalakay ang mga holdaper. Kahit maraming tao, malakas ang kanilang loob. Marahil, nalalaman nilang walang pulis sa paligid kaya madali silang makakatakas.

Kahapon ng madaling araw, isang convenient store sa Malate, Manila ang pinasok ng mga holdaper na armado ng baril. Ikinulong umano sa stockroom ang mga crew at parukyano ng store na kinabibilangan ng isang Amerikano at saka nilimas ang kinita. Nakakita ng pagkakataong makatakas ang Amerikano. Pero nakita siya ng mga holdaper at pinagbabaril. Namatay ang Amerikano dahil sa tama ng bala sa katawan. Matagal pa umano bago nakara-ting ang mga pulis sa convenient store. Hanggang ngayon, wala pang naaarestong suspect.

Sunud-sunod ang pagpatay ng riding-in-tandem. Noong Sabado ng gabi, dalawang magkasinta-hang teenager ang pinagbabaril sa harap mismo ng kanilang bahay sa Commonwealth, Quezon City. Nag-uusap ang magkasintahan nang ang isang motorsiklo, sakay ang dalawang lalaking naka-bonnet ang biglang tumigil at pinagbabaril ang dalawa. Namatay noon din ang magkasintahan. Wala ring pulis na nakita sa lugar. Walang anumang nakatakas ang riding-in-tandem.

Sunud-sunod din ang carnapping. Noong naka­raang linggo, dalawang sasakyan ang natangay sa Que­zon City. Ang una ay kinarnap sa likod ng isang ospital sa QC. Tinutukan ang driver ng SUV at tinangay   ang sasakyan. Ang ikalawa ay sa West Avenue. Tinutukan din ang driver at saka tinangay ang SUV.

Saan pa bang lugar sa Metro Manila ligtas? Nakakatulog pa kaya nang mahimbing ang mamamayan sa mga nangyayaring ito? Kahit paulit-ulit na batikusin ang PNP, nananatiling walang makitang pulis na regular na nagpapatrulya sa kalsada. Mayroon ngang mga pulis, pero iilan lang at kaya sila nasa kalsada ay para mag-abang ng kokotongang motorista.

AMERIKANO

KAHIT

METRO MANILA

NAMATAY

NOONG SABADO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PULIS

QUEZON CITY

SUNUD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with