^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Piliin ang karapat-dapat

- The Philippine Star

NGAYONG araw na ito ihahatid sa huling han­tungan si DILG Secretary Jesse Robredo. Sa kanyang sinilangang lugar siya ililibing kahit may alok ang pamahalaan na ilibing sa Libi-ngan ng mga Bayani. Pinutol ng plane crash ang mahusay na pamumuno ni Robredo. Marami pa sana siyang magagawa sa DILG at matutulungan si President Aquino sa pagpapaunlad ng bansa ganundin naman sa pagliling­kod sa mamamayan. Sabi ng isang Cabinet secretary sa necrological service kay Robredo noong Sabado ng gabi, dapat gayahin ang estilo nang namayapang secretary sa paglilingkod sa masa. Ayon kay Ener­gy Secretary Rene Almendras, dapat manahin ang “tsinelas leadership” ni Robredo na nagpapakilalang isa itong tunay na lingkod-bayan. Paborito ni Robredo na magsuot ng tsinelas. Kung nagtutungo umano sa kanyang mga kababayan sa Naga si Robredo ay naka-tsinelas lamang ito. Komportable umano si Robredo sa tsinelas habang nakikipag-usap sa kanyang mga kababayan. Nagpapakita umano ito ng kababaan ni Robredo. Kung tsinelas nga naman ang suot, madaling makakalusong sa baha at madaling mapupuntahan ang mga nangangaila-ngan ng tulong. Ang “tsinelas leadership” ni Robredo ay isang mahusay na halimbawa na dapat gawin ng mga opisyal ng pamahalaan.

Marami pang nagsalita sa necrological service at lahat sa kanila ay ginunita ang mga ma­gagagandang alaala nang namayapang secretary. Marami sa kanila ang nanghihinayang sa maagang pagkawala ni Robredo.

Wala na nga si Robredo. Maaaring bukas o sa makalawa ay may hihirangin nang kapalit ni Robre­do si President Aquino. Marami nang pa­ngalan ang lumutang. Karamihan sa kanila ay mga pulitiko rin. Nararapat na maging matalino ang presidente sa paghirang ng kapalit ni         Robredo. Kilatisin muna niyang mabuti. Tiyakin niyang ang ipapalit ay may katulad ding estilo ng paglilingkod na gaya ng kay Robredo. Katulad din nitong “naka-tsinelas” habang gumaganap ng tungkulin sa mamamayan.

vuukle comment

AYON

BAYANI

MARAMI

PRESIDENT AQUINO

ROBREDO

SECRETARY JESSE ROBREDO

SECRETARY RENE ALMENDRAS

TSINELAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with