Pag-eksamin sa mga suso

“Dr. Elicaño, paano po ba ang tamang pag-eksamin sa mga suso para malaman kung may bukol o anumang pagbabago rito? Anong panahon po dapat ang pag-eksamin?” – LAILA GENATE, Carola St. Sampaloc, Manila

 

Ikaw mismo ang makakaalam sa mga nangyayari sa iyong suso. Sa pag-eksamin sa mga suso dapat tingnan mong mabuti kung may bukol, deformity sa hugis ng suso, anyo ng utong at rash sa paligid nito. Pansinin din kung nagbago ng kulay ang mga suso, may pagdurugo o abnormal discharge sa utong. Siyasatin kung may kulani sa kilikili o mga sugat sa mismong suso.

Pagkatapos ng regla ang tamang panahon sa pag-eeksamin ng mga suso. Sa panahong ito physiologically less active ang mga suso kaya madaling ma-detect kung may mga abnormalidad sa suso.

* * *

“Dr. Elicaño, nagagamot pa ang emphysema? Hirap na hirap na ako. Sa kabila nito, hindi ko mabitawan ang buwisit na sigarilyo.”  – MARIO S. ng Bagbaguin, Valenzuela City

Hindi na maaaring gamutin ang emphysema. Ang mga nagkakasakit ng emphysema ay ang mga sugapa na sa paninigarilyo. Umaatake ang emphysema kapag ang maliliit na air sacs sa baga ay namaga at ang walls na nakapaligid dito ay nasisira o nasusugatan. Magi-ging dahilan ito ng pag-impis ng baga at magkakaroon ng reduction sa oxygen na ina-absorbed. Dahil sa nangyayaring ito mag-eexert ng effort ang lungs para mag-expand na magbibigay naman ng strain sa puso kapag nagbomba ng dugo patungo sa mga baga. 

Ang may emphysema ay kapuna-punang mada-ling mapagod. 

Ipinapayo ko sa iyo na itigil ang paninigaril­yo at sikaping ang diet ay mayaman sa Vitamin C. Ang Vitamin C ay an­tio­­xidant.

Show comments