^

PSN Opinyon

Tinumba ng VK operators sina David at Pineda

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

BINARIL si Abe David ng mga hinihinalang hitman ng gambling lord ilang buwan na ang nakararaan. Noong Martes, si Boy Pineda naman ang sunod na tinumba. Sina David at Pineda ay kolektor ng lingguhang intelihensiya ng police units at iba pa. Siguro marami silang pinahirapan kaya itinumba sila. Si David ay binaril pagbaba ng isang pampasaherong sasakyan sa Las Piñas City. Si David ay gamit ng Intelligence Group (IG) ni Chief Supt. Charles Calima. Pinagtuturo ni David ang mga puwesto ng video karera sa Las Piñas City sa kasunduang may porsiyento siya sa mga makina. Subalit nang mabaril si David, kumilos ba ang IG ni Calima para mahuli ang pumatay sa kanya? Hindi! Kasi open secret naman kung sino ang pumatay sa kanya at wala nang iba kundi yaong nasa likod ng operation ng video karera.

Si Pineda naman ay nagtungo sa isang peryahan sa Electrical St., sa likod ng gas station sa boundary ng Parañaque City at Pasay City. Dumating si Pineda na nakamotor at tinawag ng dalawang lalaking nakamotor din. Habang nasa kasagsagan ng pag-uusap, binaril ng dalawang suspects si Pineda bago tumakas. Tiyak, tulad ni David, ang kaso ni Pineda ay mapapabilang na rin sa unsolved crimes sa Metro Manila.

Ang pagpatay kina David at Pineda ay dapat magsilbing warning sa iba pang tong collector tulad nina Leo-nardo Poblador alyas Nardo, Jerry Montecillo alyas Jerry Salacot, Boy Go, Jojo Cruz, Ver Navarro, Molly Acuña, Tony Villacorta, Arnold Sandoval, Mike Pornillos, mga alyas Clyde, Robles at Juanio at iba pa. May posibilidad na isunod sila. Sa ngayon, ang mga tong collector ay malakas magpasobra sa weekly collections nila kaya’t hayun palagi nilang piniperhuwesyo ay mga gambling lord at mga beerhouse owner. Kung sabagay, kung hindi naman magharabas ang mga tong collector, tiyak kararampot lang ang mapupunta sa bulsa nila at hindi nila masuportahan ang kapritso ng mga asawa at anak nila. Kaya ang payo ko sa mga tong collector na aking nabanggit, mag-ingat kayo at baka maubos ang lahi n’yo. Kayo rin?

Karamihan kasi sa mga tong collector na ito ay ki­nakaibigan ng mga gam-b­ling lords at beerhouse owners. Subalit kapag may umusbong na bagong PNP unit o government agency, inginunguso pa nila ang mga kaibigan nila at si-yempre marami ang na-susuya sa kanila.

Abangan!

vuukle comment

ABE DAVID

ARNOLD SANDOVAL

BOY GO

BOY PINEDA

CHARLES CALIMA

DAVID

LAS PI

PINEDA

SI DAVID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with