Nakaba-BAHA-la
HALOS taun-taon nang bahagi ng ating buhay ang mga teribleng pagbaha na noong araw ay hindi natin lubhang nararanasan. Hindi lang ito sa ating bansa nangyayari kundi maging sa iba tulad ng Amerika at Europa.
This condition happens on a global scope, and environment experts point to climate change as the culprit of all the radical changes in our weather.
Bukod marahil sa mga natural factors, masisisi na rin natin ang ating sarili sa mga nagaganap na kalamidad. Ang mabilis na pagkapanot ng mga kagubatan dahil sa walang habas na pamumutol ng punongkahoy, ang mga ibinubugang nakalalasong usok dulot ng transportasyon at industriya at ang lumolobong populasyon na pinagmumulan ng malaking volume ng basura na hindi na kayang matugunan ng mga dumpsites.
Ilang araw ding nagdulot ng malalakas na pag-ulan at malalakas na hangin si “Gener” at gaya nang dati, umapaw ang Manila Bay at isinuka sa kahabaan ng Roxas boulevard ang tone-toneladang basura na galing sa iba’t ibang karatig-bayan ng Maynila.
May nagsasabing parusa ng Diyos ang mga nangyayaring kalamidad. Tingin ko, parusa natin ito sa ating sarili. Parusa sa kawalan natin ng malasakit sa ating kapaligirang bumubuhay sa atin.
Ang serye ng mga malulubhang baha sa Metro Manila at ibang dako ng bansa ay hindi lamang nakapinsala sa bilyong pisong halaga ng ari-arian kundi kumitil din sa buhay ng marami nating kababayan. Sasabihin ng iba “act of God.”
Bakit ba ugali nating sisihin ang Diyos na wala namang ibang hinangad kundi ang kabutihan ng tao? Tao ang may kagagawan nito. Tayo.
The wanton rapacity of people in treating the environment such as the denudation of forest resources, careless disposal of wastes and the pollution of the seas and air are the great contributors to climatic changes that draw the ire of mother nature.
Isipin natin ito: Nilikha ng Dios ang sandaigdigan at ang mga tao. Biniyayaan tayo ng lahat ng kakailanganin natin sa buhay pero dahil sa ating tahasang pang-aabuso, tayo mismo ang sumasalanta sa ating daigdig.
- Latest
- Trending