^

PSN Opinyon

Meat labelling

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - The Philippine Star

KAILANGANG matiyak na malinis at ligtas ang mga karne na binibili at kinukonsumo sa ating bansa. Ito ang iginiit ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, pangunahing nag-akda ng Senate Bill 2746 (Meat Labelling Act) na pinagtibay kamakailan ng Senado.

Partikular na itinatakda ng panukala ang paglalagay ng wasto at kumpletong label sa mga karne upang maprotektahan ang mga consumer. Marami kasing insidente kung saan ay ilang tiwaling negosyante ang nanlilinlang ng mga mamimili. Saklaw ng panukala ang lokal at imported meat products.

Sa nasabing panukala, dapat may label ang lahat ng meat products na inilalako sa merkado. Kailangang nakasaad sa label ang pinanggalingan ng karne upang malinaw na matukoy kung saan pinalaki at inalagaan ang hayop na pinagmulan ng karne at kung saan ito kinatay at iprinoseso. Kailangan ding nakasaad sa packaging kung may idinagdag na kemikal upang gawing kaaya-aya ang hitsura ng karne.

 Kapag naging ganap na batas, ang sinumang lalabag ay pagmumultahin ng mula P10,000 hanggang P50,000 at makukulong nang mula anim na buwan hanggang dalawang taon. Ang naturang hakbangin ay inaasahang ibayong mapapalakas sa isang administrative order ng Department of Agriculture na nagbalangkas ng mandatory labelling sa imported meat products.

 Ang panukalang Meat Labelling Act ay malaking hakbang upang matiyak ng publiko na malinis, ligtas at may aprubadong kalidad ang lahat ng meat products  na ating binibili at kinukonsumo.

* * *

Birthday greetings: Bishop Leopoldo Jaucian ng Bangued (July 27); Reps. Julieta Cortuna ng A Teacher partylist (July 28); Rodante Marcoleta ng Alagad partylist (July 29) at Teddy Brawner Baguilat, Jr. ng Ifugao (July 30).

A TEACHER

ALAGAD

BISHOP LEOPOLDO JAUCIAN

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

JULIETA CORTUNA

MEAT LABELLING ACT

RODANTE MARCOLETA

SENATE BILL

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

TEDDY BRAWNER BAGUILAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with