^

PSN Opinyon

'Saan galing ang salitang cancer?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. - The Philippine Star

Dr. Elicaño, ano po ba ang kahulugan ng cancer at saan nag-originate ang salitang ito. Nagtataka rin po ako kung bakit crab ang symbol nito?  –DIANA C. ng Montalban, Rizal

Ang cancer ay term para sa malignant tumors. Ang salitang cancer ay nagmula sa salitang Greek na Karkinos na ang kahulugan ay alimango (crab). Ginawang symbol ang crab sapagkat mayroon itong mga galamay at mabilis gumapang. Sinisimbolo ang pagkalat ng sakit.

Ang cancer ay binubuo ng abnormal cells na nahahati at dumarami. Mabilis dumami ang abnormal cells at sinisira nito ang normal cells sa pamamagitan ng pag-agaw sa food at blood supply.

Dr. Elicaño, ang migraine po ba ay sintomas na may tumor sa utak?DELFIN DEL ROSARIO ng Makati City

Ang migraine ay hindi cancer. Gayunman, kung pag­sakit ng ulo ay lagi na lamang nararanasan at mas lumulubha, o hindi nagre-respond sa medication, kailangan nang magkaroon ng pagsusuri sapagkat maaaring may tumor sa utak.

Dr. Elicaño, nagkaka-breast cancer po ba ang mga lalaki? ---MAR SANTOS ng Parañaque City

Oo, nagkaka-breast cancer ang mga lalaki, ganunman, ang ratio ay 100 to 1. Ang breast cancer sa kalalakihan ay very fatal.

CANCER

DR. ELICA

GAYUNMAN

GINAWANG

KARKINOS

MABILIS

MAKATI CITY

MONTALBAN

NAGTATAKA

OO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with