^

PSN Opinyon

The 'Big Bam'

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

MAARING hindi masyadong matunog ang pangalan ni Bam Aquino bilang TV host pero matalino siyang bata. Pinsan siya ni Presidente Benigno “Noynoy” Aquino.

Binigyan na umano siya ng blessing ni P-Noy na tumakbo sa 2013 senatorial election. Ayon sa naba-balitaan ko, malamang na ang pagpasok niya sa ticket ng Liberal Party. Pero may “K’ nga ba siyang tumakbo? Sino ba siya?

 Si Bam ay anak ni Paul Aquino, bunsong kapatid ng pinaslang na senador Benigno “Ninoy”Aquino. Pamangkin din siya ng mga dating senador Butz Aquino at Tessie Aquino-Oreta. Halos carbon copy ni Ninoy si Bam hindi lamang sa hitsura kundi pati sa tindig, pagkilos at rapid-fire na pagsasalita.

Sa edad na 35, di matatawaran ang kanyang scholastic, civic at entrepreneurial credentials. Siya ay summa cum laude graduate ng management engineering sa Ateneo de Manila University na doo’y nagtapos din ng grade school at high school bilang valedictorian. Hindi pa siya tumakbo sa anumang public office. Nuong 2001, nahirang siya ni dating Pangulong Gloria Arroyo bilang Commissioner ng National Youth Commission of the Philippines (NYCP). Naging chairman siya ng Commission nuong Feb. 2003.

 At alam ba ninyo na sa edad na 11 si Bam ay nasa- bak na sa pulitika bilang “front act” speaker sa rallies nang tumatakbo si Tita Cory laban kay dating Pangulong Marcos sa 1983 snap eleksyon. Sumabak din siya sa senatorial campaign ng Lakas-Laban Coalition nuong 1987.

Noong 2006 itinatag niya kasama ang kaibigang si Mark Ruiz — ang Hapinoy Community program na naglalayon tulungan ang mga may-ari ng mga sari-sari store na paunlarin ang ka­nilang negosyo. Sa buong kapuluan, may­roon nang 150 Hapinoy Commmunity Stores. Umani na ng papuri at parangal ang programang ito ni Bam sa maraming bansa sa mundo.

Dahilan ito kung kaya nahirang siyang isa sa Phi­lippine Jaycees 10 Outstan-ding Young Men (TOYM) sa category ng Social Enter­prise at Community Deve-lopment nuong 2010.  

vuukle comment

AQUINO

BAM AQUINO

BUTZ AQUINO

COMMUNITY DEVE

HAPINOY COMMMUNITY STORES

HAPINOY COMMUNITY

LAKAS-LABAN COALITION

LIBERAL PARTY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with