^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Patuloy ang pagputol sa mga punongkahoy

- The Philippine Star

NAKAKAAWA ang mga kabataan sa hinaharap sapagkat wala nang makikitang kabundukan. Wala na rin silang makikitang luntiang kagubatan. Ang makikita nila ay biyak na bundok at salantang gubat. Kawawa ang mga kabataan. At walang ibang dapat sisihin sa mga nangyari kundi ang mga matatakaw na magtotroso (loggers). Sisihin na rin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sapagkat walang kakayahang proteksiyunan ang mga kagubatan at kabundukan. Walang silbi ang DENR sa kabila na mayroon nang kautusan na bawal ang pagputol sa mga punongkahoy.

Isang katibayan na sinusuway ang Executive Order No. 23 ay ang pagkakakumpiska sa mga troso na nakalulan sa 55 container vans habang nasa Port of Manila noong Biyernes. Ang mga troso ay nanggaling sa Davao port. Tinatayang nasa P16-milyon ang mga trosong nakumpiska. Pawang mga first class na Lawaan ang nakumpiska. Ang mga kahoy na ito ay kabilang sa mga uri ng kahoy na mahigpit na ipinagbabawal putulin. Pero hindi sinusunod ang kautusan ni President Aquino na bawal ang magputol ng mga punongkahoy, sa halip, lalo pang naging matindi ang pagkalbo sa mga kagubatan, partikular na sa Mindanao. Wala nang kinatatakutan ang mga logger. Walang puknat ang ope­rasyon at itinutumba ang mga puno.

Ang pagkalbo sa mga kagubatan ang dahilan kaya may mga grabeng pagbaha at pagguho ng lupa sa maraming panig ng bansa. Dahil napanot na ang mga bundok, wala nang tibay ang lupa at kapag umulan ay nabibiyak at naguguho. Tulad nang nangyari sa Bgy. Guinsaugon, St. Bernard, Southern Leyte noong Pebrero 17, 2006 kung saan naguho ang bundok at tinabunan ang buong barangay. Ayon sa mga residente ng Guinsaugon, nakarinig sila ng ugong at kasunod niyon ay naguho ang bundok. Rumagasa ang mga bato at putik mula sa bundok. Isang elementary school na kasalukuyang nagka-klase ang natabunan at nalibing nang buhay ang mga bata. Mahigit 1,000 katao ang namatay.

Noong nakaraang Disyembre 2011, bumaha sa Cagayan de Oro at Iligan cities at may 500 katao ang namatay. Illegal logging ang dahilan nang pagbaha sa dalawang lungsod.

Kawawa ang mga kabataan sa hinaharap na wala nang makikitang bundok at gubat. May magagawa pa kaya ang DENR sa ganitong kalagayan? Kaya ba nilang putulan ng sungay ang illegal loggers?

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

GUINSAUGON

ISANG

KAWAWA

NANG

ORDER NO

PORT OF MANILA

PRESIDENT AQUINO

SOUTHERN LEYTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with