^

PSN Opinyon

'Apoy sa dagat' (huling bahagi)

- Tony Calvento - The Philippine Star

LUBHANG nasaktan itong si Bong at nagdesisyon na ibulgar ang pagkakaroon ng lalake nitong si Bem. Pina­ngalanan niya ang maaring tumestigo.

Siya si Roselyn Duaso kababata ni Bem. Nakapanayam namin siya at idinetalye ang panonorotot nitong si Bem kay Bong.

NOONG LUNES, itinampok namin sa aming pitak ang kwento ni Raul ‘Bong’ Bangui, 51 taong gulang, dating OFW, nakatira sa Makati City at sa kanyang ka ‘live-in’ na si Donnabie ‘Bem’ Fabila, 26 taong gulang at tubong Antique.

Kinapanayam namin si Roselyn sa radyo sa aming programang “Hustisya Para sa Lahat” ng DWIZ882 khz tuwing 3:00-4:00 ng hapon.

“Magkababata po kami niyan ni Bem. Lagi kaming magkasama. Noong 2008 may naging boyfriend yan dito sa ‘min. Si Emilio Lademora. Una ko yung nakita nung iburol yung Tita niya sa bahay nila na namatay pagkatapos ng bagyong Frank,” kwento ni Roselyn.

Ang tinutukoy na lalaki ni Roselyn ay ang kapatid ng asawa ng Tita ni Bem.

“Madalas silang magpunta sa tabing dagat. Minsan nag-oovernight sa lodging house. May panahon na kasama kami ng boyfriend ko. Nasa abroad nun si Kuya Bong,” wika ni Roselyn.

Hindi na sila gaanong nagkikibuan ni Bem mula nang malaman nitong nagsumbong si Roselyn kay Bong tungkol sa pamemendeho umanong ginawa niya.

“Kaya ko sinasabi ‘to kasi naaawa ako kay Kuya Bong. Wala siyang kamag-anak dito. Siyempre tao lang naman ako na concern lang sa kanya dahil ang perang kanyang pinaghirapan ang ginagamit ni Bem sa panloloko,” sabi ni Roselyn.

Lubos naman ang pasasalamat ni Bong kay Roselyn. Handa itong magbigay ng statement tungkol sa kanyang nalalaman para matulungan si Bong.

“Hindi po ako takot diyan. Sabihin niyo lang kung kelan at magbibigay ako. Ang sa akin lang naman yung totoo lang. Tutulong ako basta tama.,” sabi ni Roselyn.

Habang kausap namin si Roselyn ay tinawagan din namin si Bem upang mas mabigyang linaw ang lahat at upang maipaliwanag niya ang kanyang panig.

Narinig niya sa radyo ang mga ibinulgar ni Roselyn.

“Naniniwala naman po kayo? Hindi totoo yun,” sabi ni Bem.

“Anong hindi totoo? Kung gusto niyo pumunta kayo dito at sasabihin ko ang totoo. Dadalhin ko pa kayo sa lodging house,” sagot ni Roselyn.

Itinanggi ni Bem ang lahat ng mga sinabi ni Roselyn. “Tinutulungan ko lang sila ng boyfriend niya noon. Patago kasi ang relasyon nilang dalawa. Nagmamalasakit lang ako. Kilala ko si Emilio pero hindi totoong nagkaroon kami ng relasyon,” sabi ni Bem.

May mga naririnig din umano si Roselyn na may boyfriend ng bago si Bem. Agad naman niya itong itinanggi.

Hiniling na lang ni Bong na kung maaari ay paghatian nila ang pag-aalaga sa mga bata.

Naging matigas itong si Bem. Hindi siya pumayag sa naging kahilingan ni Bong na siya muna ang mag-aalaga sa kanilang mga anak kapag nagtrabaho na ito sa abroad.

“Hindi pwede. Maliliit pa ang mga bata. Apat na taon at isang taon pa lang. Hindi ko kayang paghiwalayin silang dalawa. Kahit sa Presidente ka pa lumapit ako pa din ang magdedesisyon dahil ako ang ina,” wika ni Bem.

Halos mautal si Bem nang ipaliwanag namin sa kanya na maaaring tanggalin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanyang karapatan kung mapapatunayan ni Bong na siya’y ‘unfit mother’.

“Ok” lang ang kanyang naisagot.

Binigyan namin ng pagkakataong mag-usap sa telepono sina Bem at Bong. Ayaw pa ring pumayag ni Bem.

Muling nagbalik si Bong sa aming tanggapan at sinabing handa na siyang magsampa ng kaso laban sa kanyang dating ka live-in para makuha ang kanyang mga anak.

“Kahit isa man lang sa kanila. Kawawa naman yun dun, tulungan niyo po ako. Gusto ko silang mabigyan ng magandang kinabukasan,” sabi ni Bong.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ayon sa ‘Family Code’ ang mga batang below 7 years old ibinibigay ang pa­ngangalaga sa ina.

Maaari itong tanggalin kung ang isang ina ay ‘unfit mother’ o yung hindi kayang maging isang mabuting ina sa kanyang mga anak.

Kung mapapatunayang nakikipagrelasyon itong si Bem kung kani-kaninong lalake, maaaring matanggal ang panga­ngalaga sa kanya ng bata at ilipat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Matapos nun maaring magsampa ng ‘Petition for Custody’ itong si Bong bilang tunay na ama nitong mga bata at hilingin na siya ang gawing taga-pangalaga ng kanilang anak.

Importante para sa estado ang magandang tahanan kung saan palalakihin ang isang bata at matutunan ang mga tamang ‘moral values’ para maging maayos ang kanyang pagkatao. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213263166 o 09198972854. Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., 709 Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

* * *

Follow us on twitter: Email: [email protected]

BEM

BONG

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

KANYANG

LANG

ROSELYN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with