^

PSN Opinyon

Hatol kay Corona

PILANTIK - Dadong Matinik - The Philippine Star

Ngayon ay tapos na ang Impeachment Trial

hatol kay Corona nabatid ng bayan;

hindi siya dapat sa panunungkulan –

punong Mahistrado nitong sambayanan!

Dalawampung senador humatol sa kanya

na talagang mali ang kanyang depensa;

Kaya nang magwakas ang trial na mahaba

si CJ Corona may maling nagawa!

Palibhasa kasi kanyang nalimutan

ang delikadesa sa panunungkulan;

Kung noong una pang siya’y pagdudahan

nagbitiw na agad-siya ay may dangal!

Sa Japan, sa US at bansa sa Europe

posisyon at puri ay lubhang matayog;

Ang mga opisyal kahi’t nasa rurok

agad nagbibitiw sa mumunting gusot!

Ito ang marapat at napakaganda –

na dapat ginawa ni CJ Corona;

Kung nag-resign agad noong simula pa

di siya nabilad sa pagkakasala!

Alam nitong bayan siya’y ipinuesto

na lubhang mataas – Punong Mahistrado;

Siya’y midnight appointee at alam ng tao

natanggal si Gloria na kakampi nito!

Mga tagong yaman tiyak malalaman

kung ito’y natago kahi’t na saanman;

Lahat ng sekreto tiyak na lilitaw –

sa oras na ito’y hanapin ng bayan!

Ngayo’y may hatol na dalawampung senador

kapanig ni CJ balak pang maghabol;

Ang ano mang appeal na gagawin ngayon

ang yaman ni CJ tiyak na tatapon!

Saka tumpak lamang advice ni Estrada –

huwag nang kasuhan si Mr. Corona;

Huwag nang dagdagan ang kanyang parusa

naging Lingkod Bayan - iyon ay sapat na!

vuukle comment

ALAM

DALAWAMPUNG

HUWAG

IMPEACHMENT TRIAL

LINGKOD BAYAN

MR. CORONA

PUNONG MAHISTRADO

SA JAPAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with