Power struggle sa IG

MATINDI ang hidwaan ng mga kamoteng kolektor na binigyan ng ‘blessing’ ng mga bugok na opisyal dyan sa PNP intelihensiya este mali Intelligence Group dahil may sinasabing ‘power money struggle’ pagdating sa usapin koleksyon ng ‘tara’ sa mga illegal vices tulad ng bahay putahan, mga sauna parlor, mga club at mga pasugalan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang lahat ng mga nasabing illegal sa itaas ay kinukunan ng ‘intelihensiya’ ng grupo ni Molly at Acuna, sinasabing trusted ‘dog’ ng mga bugok sa PNP IG.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkaroon ng problema ang grupo ni Molly at Acuna kaya sinipa nito ang dating foolish cop na si Ver Navarro bilang kolektor sa NCR.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ipinalit ni Molly at Acuna sa sinipang si Ver Navarro ay isang Dennis Santiago, sinasabing miembro rin ng ‘foolish cop,’ kolektor ito sa kalakhang Maynila.

Ang gamit naman ni Molly at Acuna sa south of Metro-Manila ay isang alyas Jigs, miembro rin ng ‘foolish cop.’ Ang kamoteng si Jigs ang gamit din ng mga bugok dyan sa Pasay City Police at mga lagapot sa NCRPO.

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Noriega naman ang kumakatawan tuta kay Molly at Acuna na isa rin ex-foolish cop. Ito ang kolektor sa Manila.

Ayon sa mga kuwago ng ORA MISMO, yesterday and today ‘Saturday’ ang remittance ng tong collection ng mga kolektor na pinalalakad ni Molly at Acuna matapos makuenta ang salaping nakolekta mula sa lahat ng illegal vices na iniikutan ng mga kamoteng aso ng overall engkargado papartihin naman ito para ibigay ang rasyon sa mga bugok dyan sa PNP-IG.

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit hindi kumikibo ang mga lespung hindi nabibiyayaan ng rasyon. Take note, SILG Jesse Robredo, your Honor!

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang PNP IG ay naniniktik ng mga criminal element para masungkit nila at makalaboso pero napapanganga ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil nasa tungki ng kanilang ilong ang isa sa mga carnapping syndicate.

‘Sino ang binabanggit mo?’ Tanong ng kuwagong ginago.

‘Si Molly at Acuna ang ‘Carnapper boy of the year’, sagot ng kuwagong natulala.

‘Bakit ginagamit ito ng mga kamote dyan sa IG may record pala?’ Tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Pera, pera sila’.

Abangan.

Show comments