Kalagayan ng sector ng edukasyon

PASUKAN na sa Lunes at dadagsa na naman ang mil­yong estudyante sa mga iskuwelahan sa buong bansa. Kaugnay nito, sinuri namin ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang kalagayan ng ating edukasyon partikular ang mga proble-mang matagal na nitong kinakaharap.

Nariyan pa rin ang malaking kakulangan sa mga school building, silid-aralan, mga upuan at desk o mesa, titser, school facilities at iba pa na pawang kailangang-kailangan para sa epektibong pag-aaral ng ating mga kababayan.

Ayon sa DepEd, ngayong school year ay kulang na naman ng 50,921 silid-aralan at 74,000 titser. Aminado ang kagawaran na nahihirapan ang pamahalaan na solusyunan nang mabilisan ang nasabing mga problema. Bukod dito, hindi pa rin umano naaasikaso nang sapat ang mismong kalidad ng edukasyon gayundin ang kabuuang pangangasiwa nito upang maging akma at competitive para sa mga employment opportunity sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Sadyang napakahalaga ng edukasyon sa taumbayan at sa pag-unlad ng lipunan. Ito kasi ang huhubog sa isipan, kasanayan at personalidad ng bawat mamamayan upang sila ay maging produktibo at maunlad.

Nakasaad mismo sa ating Saligang Batas na ang pinakamalaking bulto ng pambansang budget taun-taon ay dapat ilaan sa edukasyon, hindi lang para sa mga teknikal na bahagi at aspeto nito kundi pati rin sa pagpapaunlad ng sistema nito.

Dahil dito, nananawagan si Jinggoy sa mga kapwa mambabatas na pagtibayin na ang mga panukala na magpapahusay ng edukasyon. Napakaraming panukalang iniakda ni Jinggoy para sa sektor ng edukasyon. Ilan dito ay ang: Senate Bill 447: Philippine Free Public Education System Act; SB 496: Free College Education (Regional Subsidized College Education Program); SB 750: High-School Reform; SB 775: Omnibus Education Reform Program; at SB 835: Basic Education Rehabilitation and Improvement Act.

* * *

Birthday greetings: Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson at Rep. Ma. Valentina Plaza ng 1st District ng Agusan del Sur (June 1).

Show comments