^

PSN Opinyon

Hostile witness

K KA LANG? - Korina Sanchez -

SIGURO nagsisisi ang defense team ni Chief Justice Renato Corona sa kanilang pagtawag kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales bilang testigo para sa kanilang depensa! Sa pagpapatuloy ng impeachment hearing laban kay Corona, naging malinaw ang pagkilos ng pera na nasa pangalan umano ni Corona sa limang banko. Malaking tulong ang ginawang power point presentation ni Carpio-Morales na pinuri ni Sen. Miriam Santiago. Napakalinaw at may mala-king kaugnayan sa kaso, kaya pinayagan niya itong magamit ni Carpio-Morales.

At nakakagulat nga naman ang mga ipinakita ni Carpio-Morales, pati na rin ang paliwanag ni COA Commissioner Heidi Mendoza, ukol sa halaga ng mga dolyar na nasa pangalan umano ni Corona. Panay ang tutol ni Serafin Cuevas sa mga testimonya ni Carpio-Morales, at hiningi sa korte na gawin siyang “hostile at combative witness”. Testigo nila, pero palaban sa kanila. Bakit nga naman nila tinawag si Carpio-Morales?

Naglabas umano nang malaking halagang pera si Corona noong 2004 at 2007 at sa araw ng kanyang impeachment. Ang mga taon 2004 at 2007 ay panahon ng eleksyon. Apatnaraang libong dolyar ang nilabas mula sa mga time deposit na hindi pa tapos ang termino, sa araw ng kanyang impeachment. Tila gustong itago na sa ibang lugar ang mga pera, dahil alam siguro na uungkatin o mauungkat kapag nagsimula na ang impeachment. Pero ngayon, ang malaking tanong, saan galing ang lahat ng perang iyan, kung totoo nga na meron siya niyan? Hindi naman siguro napulot na lang sa kalye! Galing ba sa negosyo? Galing ba sa isang tao? Saan galing?  

Kung mapapatunayan na galing nga sa AMLC ang mga impormasyon na ipinakita ni Carpio-Morales, malaki ang dapat ipaliwanag ni Corona. Naglabas ng pahayag si Corona na puro kasinungalingan daw ang testimonya ni Carpio-Morales. Siguro, sa Senado, na lang siya magpaliwanag. Naghihintay rin ang taumbayan.

vuukle comment

APATNARAANG

BAKIT

CARPIO

CARPIO-MORALES

COMMISSIONER HEIDI MENDOZA

MIRIAM SANTIAGO

MORALES

NAGLABAS

SERAFIN CUEVAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with