^

PSN Opinyon

Hindi pinaka-masama pero.

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ISANG opisyal ng airline company ang hindi sumang-ayon sa pananaw na ang NAIA ay isa sa pinaka-masamang paliparan sa mundo. Ayon kay Steven Crowdey, opisyal ng Delta Air Lines, hindi pinakamasama o malala ang NAIA. Mas marami pa raw ang mas malala at mas masama. Siyempre maraming natuwa sa kanyang pahayag! Walang mas masarap na pakiramdam sa may nagtatanggol sa iyo, at dayuhan pa di ba? At tama rin naman ang kanyang pahayag. Siguro dahil mga kapitbahay nating mga bansa ay magaganda ang kanilang mga paliparan, naikukumpara tayo sa kanila nang husto. Darating rin tayo riyan.

Pero may pahabol din si Crowdey. Masyadong malayo ang Clark International Airport sa Manila para sa mga lokal at dayuhang turista. Ito ang kanyang pahayag sa matunog na mungkahi na ilipat na muna ang operasyon ng NAIA sa Clark, para mabawasan ang mga lipad sa nasabing airport, na nagiging dahilan na ng mga antala at iba pang problema. Sinita rin niya na walang magandang paraan ang pampublikong transportasyon mula Manila patungong Clark at pabalik para sa isang turista, kaya matatabangan lang ang mga turista kung sa paglapag nila sa Pilipinas ay bibiyahe pa sila ng higit isang oras sa isang pampublikong sasakyan patungong Manila, kung hindi naman sila susunduin o sasalubungin. Malaking balakid ito sa kampanya ng Pilipinas na mang-akit ng mga turista.

Kailangang pakinggan ang mga pahayag ni Crowdey, dahil isa siyang dayuhan na may operas­yon din sa Pilipinas. Alam niya ang hahanapin ng mga turista sa isang bakasyon, at iyon ay kaginhawaan. Bakasyon eh, di ba? Kung gusto nating ipakita na mas masaya nga sa Pilipinas, hindi ito puwedeng masimulan ng isang mahabang biyahe para lamang makarating sa kanilang hotel!

Inaabutan na talaga tayo ng mga problema ng isang lumang paliparan. Walang nag-akala na biglang gaganda ang industriya ng mga kompanya ng eroplano. Sa gusto ng mga iba pang kumpanya na mag-alok ng mga ibang biyahe, katulad ng karagdagang biyahe patungong Amerika, balakid nga ang kalumaan ng NAIA at ang mga pasilidad nito. Kaya dapat masimulan na ang pagbabago, pag-aayos at pagpapaganda, hindi lamang ng itsura, kundi lahat ng sistema ng isang modernong paliparan. Panahon na.

ALAM

AMERIKA

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

CROWDEY

DELTA AIR LINES

ISANG

PILIPINAS

STEVEN CROWDEY

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with