^

PSN Opinyon

Huli na para sa anak ikaw at ang batas

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

Isa sa magandang layunin ng lumang Civil Code at bagong Family Code ay ang bigyan ng karapatan ang mga anak sa labas dahil anak sila ng babaing may asawa pero nakikisama sa ibang lalaki o kaya ay anak ng kabit ng isang lalaking may asawa na. Lahat sila ay may karapatan na sustentuhan, pamanahan at kilalanin basta mapatunayan na anak sila ng itinuturong magulang. Ang kadalasang problema ay ang panahon kung kailan sila puwedeng maghabol sa karapatang ito.

Halimbawa nito ay ang kuwento ni Miguel. Mula nang ipanganak siya, ang nakilala lang ni Miguel ay ang kanyang ina. Noong nagkaisip na siya, paminsan-minsan ay binabanggit ng kanyang ina ang tungkol sa tunay niyang ama at kung saan nakatira ang lalaki. Sa kabila nito, hindi siya nag-abalang sumulat o kaya ay makipag-usap sa ama para humingi ng suporta at kilalanin bilang anak.

Noong 41-anyos na siya, nadestino si Miguel sa bayan ng kanyang ama. Naisipan niyang hanapin ang matanda at nalaman niya na namatay na pala ito pitong taon na ang nakararaan. Malaki rin ang iniwan nitong ari-arian na pinaghati-hatian ng asawa nito at apat na anak na babae. Sarado na ang kaso ng hatian ayon sa naging desisyon ng korte. Sa kabila nito, nagsampa pa rin siya ng mosyon para pabuksan ang kaso at mabigyan siya ng parte bilang anak sa labas. May karapatan ba si Miguel na maghabol ng mana?

WALA. Ang pagdinig sa kaso ng paghahati ng mana ay tinatawag sa batas na “in rem”. Ibig sabihin ay ipinaalam ito sa buong mundo at apektado rito ang lahat ng tao. Ipinapalagay sa batas na alam ni Miguel ang kaso at hindi siya kumilos para makialam. Sarado na ang kaso kaya hindi na ito puwedeng ungkatin pa.

Totoo na puwedeng mapatunayan ang pagiging anak ng isang tao habang dinidinig ang kaso sa partehan ng mana. Puwede kasing isama ito bilang isyu sa kaso. Pero kailangan na dinidinig pa lang ang kaso at hindi pa natatapos. Bilang isang anak sa labas, kailangan muna na patunayan niya ang pagiging anak kahit pa hindi ito nalalaman ng kinikilalang ama sa pamamagitan ng anumang rekord pero kailangang: (1.) Magsampa siya ng kaso laban sa ama o sa mga kaanak nito upang kilalanin ang pagiging anak niya sa labas; at (2.) Makialam at maghabol siya sa kaso kung saan dinidinig ang ari-arian ng namatay na magulang. Lahat dapat ito ay ginawa niya apat na taon matapos niyang tumuntong sa hustong gulang kung sakaling namatay ang ama niya noong menor-de-edad pa siya o kaya ay apat na taon mula sa panahon na makadiskubre siya ng dokumento na nagpapatunay na anak siya sa labas. Sa kasong ito, huli na ang lahat (Divinagracia vs. Rovira, 72 SCRA 307).

ANAK

CIVIL CODE

FAMILY CODE

KASO

LAHAT

MIGUEL

NOONG

SARADO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with