^

PSN Opinyon

'Isang bala ka lang!'

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

HABANG abala si PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome sa mga programa niya para iangat ang imahe ng mga pulis, taliwas naman ang ginagawa nitong PNP basketball team nila. Itong basketball team ng PNP ay pinasasali ni Bartolome sa mga liga sa labas para magpalaganap ng goodwill hindi lang sa mga kapwa nila players kundi maging sa publiko. Subalit nitong nakaraang Huwebes, muk­hang hindi goodwill ang isinusulong nitong PNP basketball team dahil mukhang away ang hanap nila. At ang napagdiskitahan nila ay ang Philippine STAR basketball team na tulad nila ay goodwill din ang isinusulong. Para sa kaalaman ni Gen. Bartolome, puro hard foul ang iginawad ng kanyang team sa kalaban nila, lalo na nang malamangan sila sa 4th quarter. At hindi rin matanggap ng basketball team ni Bartolome ang matalo dahil pinagmumura pa nila pati ang mga inosenteng referee. Hindi lang ‘yan! Nilapitan pa ng No. 12 ang sentro ng Philippine STAR na si Chris Corbin at sinabihan na “Isang bala ka lang.” Sports ba ang tawag dyan?

O kita mo na Gen. Bartolome Sir? Hindi pagpapapawis ang sadya ng PNP basketball team sa pagsali nila sa liga kundi ang maghanap ng away!

Itong basketball teams ng Philippine STAR at PNP ang ilan lang sa mga teams na kasali sa 1st Rep. Neptali Gonzales basketball team na ang laro ay sa RTU gym sa Mandaluyong City. Kapwa papasok sa semis itong dalawang team. Sa laban noong Huwebes, pukpukan ang laro at halos magkadikit lang ang score hanggang sa pumasok ang 4th quarter kung saan kumamada ang Philippine STAR. At nang malamangan na nga sila, aba hampas dito hampas doon ang ginawa ng ilang PNP players sa kalaban nila. Hindi naman gumaganti ang Philippine STAR pla-yers dahil cool lang sila at laro ang hanap nila. Sa pagkakaalam ko, ilang pla­ yers ng PNP ang maaaring hindi na palaruin ng committee ng liga bunga ng ina­sal nila. Kasi pati refe­ree hindi nila pinatawad.

Si Gen. Bartolome mga suki ay basketball player din, kaya abot niya ang kalakaran sa laro. Ewan ko lang kung naglalaro pa siya sa ngayon, kahit ma-galing na ang pilay niya sa paa, dahil abala na siya sa trabaho bilang PNP chief. Kung ayaw matalo nitong PNP basketball team, da­pat hindi na sila sumali sa mga ligang labas. Sportmanship kasi ang pinapairal sa mga liga at hindi suntukan o barilan. Para patunayan nitong No. 12 player ng PNP na tala-gang matapang siya, dapat itapon siya ni Bartolome sa Mindanao para mabilis siyang makahanap ng ka-tapat. Sa panahon nga-yon na kung saan kaliwa’t kanan na ang pagkakasangkot ng kapulisan natin sa kabulukang sistema tulad ng kidnapping, drug pushing, at iba pa, hindi nararapat na dagdagan pa ito ng basketball team nila. Imbes na iahon ang dapang imahe ng PNP, eh lalong ginagatungan pa nitong PNP basketball team. Pero hindi ko sinasabi na lahat ng players ay kasing ugali ng No. 12 ha Gen. Bartolome Sir? Kilos na Gen. Bartolome! Sibakan blues na. Abangan!

BARTOLOME

BARTOLOME SIR

BASKETBALL

CHRIS CORBIN

NILA

PNP

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with