^

PSN Opinyon

Editoryal - 'Kakatakot sa UPLB

-

K UNG hindi pa nasaksak at napatay ang Agriculture student na si Ray Bernard Peñaranda noong Linggo, hindi magroronda ang mga pulis sa bisinidad ng University of the Philippines sa Los Baños, Laguna. At kahit magronda sila nang magronda ngayon, hindi na maibabalik ang buhay ng estudyante na nabiktima ng riding-in-tandem. Kung regular na nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga pulis sa lugar, maaaring hindi nakasa-lakay ang riding-in-tandem. Nakagagalit na kung kailan mayroon nang nasayang na buhay saka lamang kumikilos ang PNP na ang motto ay “To Serve and Protect”.

Naglalakad si Peñaranda kasama ang dala-wang kaklase dakong 1:30 ng madaling araw no­ ong Linggo galing sa dance rehearsal nang biglang sumulpot ang riding-in-tandem at nagdeklara ng holdap. Pagkaraan ay sinaksak si Peñaranda at saka mabilis na tumakas ang mga suspek. Isinugod sa ospital ang biktima pero hindi na umabot nang buhay.

Noong nakaraang Pebrero 27, natagpuan din sa nasabing lugar ang bangkay ng isang 14-anyos na high student. Ayon sa report, hubad ang pang-ibabang damit ng biktimang si Rochel Geronda na palatandaang ginahasa. Patungo umano ang biktima sa computer shop nang maganap ang krimen.

Noong Okubre 11, 2011, ginahasa at pinatay din ang UPLB computer student na si Given Grace Cebanico, 19, sa bisinidad ng nasabing unibersidad. Hanggang ngayon ay wala pang nahuhuling suspect sa krimen. Naghihintay ng hustisya ang mga kaanak ni Cebanico.

Tatlong sunud-sunod na malalagim na pangyayari ang naganap at ngayon lamang kumikilos ang PNP sa nasabing lugar. Kailangan bang may maholdap, magahasa at mapatay bago kumilos ang PNP? Nakakatakot ang nangyayari sa UPLB na pawang mga estudyante pa naman ang nabibiktima. Malaking hamon sa PNP ang nangyayari sa UPLB. Hanapin ang killer ni Peñaranda at ng iba pang biktima ng krimen. Ipakitang kayang protektahan ng PNP ang mamamayan.

AYON

CEBANICO

GIVEN GRACE CEBANICO

LINGGO

LOS BA

NOONG OKUBRE

RAY BERNARD PE

ROCHEL GERONDA

TO SERVE AND PROTECT

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with