^

PSN Opinyon

'Sindikato ng credit card fraud, nakalaya!'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

PINAG-IINGAT ng BITAG ang publiko, pansamantalang nasa labas at laya ang sindikatong nasa likod ng credit card fraud at identity theft na nahulog sa entrapment operation ng mga operatiba ng QCPD-DPIOU.

Dalawang linggo na ang nakararaan nang ikasa ng BITAG ang entrapment sa mga suspek sa mismong bahay ng biktima.

Sa tulong ng District Police Intelligence Operatives Unit ng Quezon City, nalambat ang limang miyembro ng sindikato.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Michael de Guz- man, ang nagsilbing courier o messenger ng grupo na siyang nagpupunta sa bahay ng biktima upang kunin ang processing fee at credit card na ia-upgrade umano ng banko.

Sina Pam Caoili na starter ng grupo. Nagpapanggap siyang costumer service umano ng banko na tatawag sa biktima upang ipaalam na ia-upgrade ang kanilang credit card.

Ang mga suspek na sina Edward Robert John Giron, Giovanni Guanez, at Melvin Ricafort ay nagsilbing look-out sa kanilang operasyon.

Nakapuwesto ang kanilang sasakyan sa di kalayuang-bahagi kung saan ang bahay ng biktima. Dala nila ang get away vehicle kapag tagumpay o bulilyaso ang kanilang operasyon.

Matapos maidokumento ng BITAG ang buong proseso ng pambibiktima ng grupo simula pagtawag ng mga ito sa biktima, hanggang sa ilang beses na pagpunta nito sa bahay, nagawa pa ring makalusot ng mga ito sa kaso.

Ang kasong credit card fraud, Staffa/ swindling, falsification of public documents at illegal possession of firearms na isinampa sa mga suspek ay “bailable”.

Ang apat na suspek na sina Caoili, Giron, Guanez at Ricafort ay pinalaya dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiyang magdidiin sa kanila sa krimen.

Habang ang messenger ng grupo na si De Guzman, nakapagpiyansa matapos makulong ng ilang araw.

Marami pa ang lumitaw na biktima ng sindikato, isang araw lamang matapos ang entrapment operation.

Iisa ang nakitang pattern ng BITAG sa mga nabiktima. Lahat sila ay miyembro ng isang malaki at kilalang body fitness gym sa bansa.

Posibleng dito nagmula ang leak sa impormasyon ng mga bangko at gamit na credit card, maging ang address ng bahay at numero ng mga biktima.

Mag-ingat sa mga tumatawag at nagpapakilalang empleyado ng banko na ang alok ay itaas ang credit limit ng inyong credit card. Lalo ngayong malaya na namang gumagala ang miyembro ng sindikato.

Sundan ang susunod na isyu ng kolum na ito sa mga tips at tamang proseso.

BIKTIMA

CREDIT

DE GUZMAN

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE OPERATIVES UNIT

EDWARD ROBERT JOHN GIRON

GIOVANNI GUANEZ

MELVIN RICAFORT

QUEZON CITY

SINA PAM CAOILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with