'Sindikato ng credit card'
LIMANG miyembro ng hinihinalang sindikato ang nasakote sa isang pribadong subdibisyon sa North Fairview, Quezon City nitong nakaraang Lunes, isang araw bago mag-araw ng mga puso.
Isang tawag na humihingi ng tulong mula sa nagpakilalang biktima ng sindikato ang natanggap ng BITAG.
Modus ng sindikato na magpanggap na empleyado ng banko kung saan mayroong account o credit card ang target na biktima.
Kapag nakumpirma na may hawak na credit card ang target, aalukin nila ito ng mas mataas na credit limit.
Sinisilaw ang mga biktima sa pangakong maaaring tumaas ang credit limit ng laman ng kanilang card. Dito nahuhulog sa patibong ng sindikato ang mga biktima.
Ang estilo, bago diumano maihatid ang credit card na may mas mataas na credit limit, kailangan munang magbayad ng biktima ng halagang mahigit 21,000 piso sa kanilang ipapadalang mensahero.
Upang masubaybayan ang estilo ng pakikipagtran-saksiyon ng sindikato, nagpadala ng undercover agents ang BITAG.
Positibo! Walang palyang dumarayo ang mga dorobong nagpapanggap na empleyado ng banko sa bahay ng biktima upang subukang mangolekta ng bayad para sa bogus na credit card na kanilang inaalok.
Agad na nakipag-ugnayan ang BITAG sa District Police Intelligence Operatives Unit (DPIOU) ng Camp Karingal. Masusing pinlano ang isasagawang entrapment operation sa mismong bahay ng biktima.
Walang kaalam-alam ang mga miyembro ng sindikato na sila na pala ang nasisilo dahil lahat ng transaksiyon sa kanila mula simula hanggang sa mismong araw ng entrapment operation ay dokumentado ng BITAG.
Sa sandaling nahawakan na ng suspek na si Michael De Guzman ang inihandang marked money, dali-daling lumabas ang mga operatiba sa kanilang pinagtataguan upang dakpin ang suspek.
Ang nahuling suspek naman, umamin at agad ding itinuro ang kinaroroonan ng mga naghihintay niyang ka-grupo. Bago pa man makabuwelo, na-corner na ng mga operatiba ang sasakyan ng mga dorobo.
Huli sa aktong naghi-hintay sa loob ng kanilang get-away car ang mga sindikato sa tapat lamang ng gate ng subdibisyon. Kargado rin ang mga ito ng isang 45 caliber na baril.
Kinilala ang mga suspek na sina Melvin Ricafort, Diovannie Guañez, Edward Robert John Giron, at ang leader nilang si Pam Caoili.
Agad ding dinala ang mga putok sa buhong mi-yembro ng sindikato sa opisina ng DPIOU, sa Camp Karingal.
* * *
Abangan ang maaksiyong engkwentro ng aming grupo kasama ang mga operatiba ng DPIOU sa mga miyembro ng sindikatong sangkot sa panglilinlang at pagnanakaw ng laman ng mga credit cards sa BITAG, sa susunod na Biyernes ng gabi sa TV 5!
- Latest
- Trending