^

PSN Opinyon

Natalo sa diplomasya, dinadaan sa brasuhan

SAPOL - Jarius Bondoc -

NANGGAGALAITI sa Pilipinas ang Global Times ng Tsina. Wika nito sa editoryal na “parusahan” ang Pilipinas dahil sa pagsandal sa America sa depensa. Pinamagatan itong “Pilipinas Pagbayarin sa Pagbabalanse.” Para sa Global Times, mali ang pagkampi ng Pilipinas sa US sa pagharang sa pananakop ng Tsina sa South China Sea. Panggugulo umano ito.

Ikinapuputok ng butsi ng Global Times ang pagrepaso ng Pilipinas at US ng alyansang depensa. Napagkasunduan na ng dalawang magka-alyado na palawakin ang papel ng US sa depensa ng Pilipinas. Ibig sabihin nito’y mas malimit na joint exercises sa teritoryong karagatang Pilipinas, at patrolyang eroplano at submarines ng America. Ito’y dahil sa pag-angkin ng Tsina sa buong South China Sea, kasama ang Dagat Pilipinas. Pinalalayas pa ng Tsina ang mga Pilipinong barkong pangisda at agham mula sa Recto Reef at bahurang kilalang pag-aari ng Pilipinas.

Ginugulo ng Tsina ang Pilipinas. Tapos, minamasama nito ang paghingi ng Pilipinas ng tulong sa US. Parusang pang-ekonomiya ang pinapanukala ng Global Times. Dalawa umano ang paraan, direktang bawasan ang ka-lakalan ng Tsina sa Pilipinas, at brasuhin ang ASEAN na huwag makipag-kalakalan sa Pilipinas.

Ingles na auxiliary ang Global Times ng People’s Daily, na dyaryo ng Partido Komunista ng Tsina. Kunwari’y hiwalay, pero lihim na tagapagsalita ito ng pamunuang Tsina. Sa paghingi ng pagpaparusa sa Pilipinas umaamin bale ang Tsina ng pagkatalo sa landas ng diplomasya. Idinulog ng Pilipinas ang usaping South China Sea sa UN, ASEAN, Japan at European Community. Lahat sumimpatya sa Pilipinas. Kaya dinadaan ng Tsina ngayon sa barumbaduhan. Ekonomiya ang natitirang sandatang pambambo nito sa Pilipinas.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

DAGAT PILIPINAS

DALAWA

EUROPEAN COMMUNITY

GLOBAL TIMES

PARTIDO KOMUNISTA

PILIPINAS

PILIPINAS PAGBAYARIN

RECTO REEF

SOUTH CHINA SEA

TSINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with