^

PSN Opinyon

Bye, bye NAIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAG - say goodbye na si MIAA Senior Assistant Ge­neral Manager at dating PAF Maj. Gen. Antonio ‘Butch’  L. Bautista. Senior official ng sampalin este mali sampahan pala ng kasong sexual harassment, oppression, grave misconduct, conduct grossly prejudicial to the best interest of the service at paglabag sa R.A. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Si Butch inireklamo sa Pasay City Prosecutor’s Office ng isang lady employee ng  Land Bank of Philippines Services Corporation na nakatalaga sa Secretariat Office, Bids and Awards Committee ng MIAA na kanyang pinamumunuan.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa affidavit ng bebot huwag na natin banggitin ang pangalan ay  minanyak daw siya ni Bautista kasi gusto daw siyang i-lips to lips nito at nang hindi umubra ang attempt ni General ay biglang  dinakma ang wetpu niya na ikinagulat nito.

Ayon sa bebot bago pa mangyari ito gusto ni Bautista ng isang indecent proposal at dapat aniya ay tanggapin niya ito at maging praktikal.

Sabi nga, dahil sa kahirapan.

Sabi sa affidavit ng bebot, pinangakuan din aniya siya ng permanent item sa MIAA kung papayag lamang siyang makipagrelasyon kay Maj. General.

Ayon sa bebot, may kili-kili este mali power pala si  Bautista na magbigay ng permanent item at sabihin lamang niya kay General Manager, M/Gen. Jose Angel A. Honrado aniya ito.

Ika nga, presto na!

Bukod dito ay may pangakong  bibigyan ng sustento ang kanyang pamilya, tanggapin lamang ang alok ng ex- Maj. General.

Sabi nga, pag-isipan mong mabuti, ikaw din? Hehehe!

Ayon sa affidavit tinakut-takot pa daw siya?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

***

Si P. Noy sa mata ng media sa mundo

 

MAGANDA at binibigyan ng halaga ni P. Noy ang demokrasya sa Philippines my Philippines dahil gumanda ang record ng gobierno sa  sa 2011 Press Freedom Index ng Reporters sans Frontières  o Reporters without Borders.

Base sa RSF, isang organisasyong naka-base sa Brussels, umangat ang Pilipinas sa 2011 Press Freedom Index kahit patuloy pa ring naapektuhan sa trahedyang dulot ng Maguindanao massacre noong Nobyembre 2009 patay dito ang  57 katao, kabilang ang 32 media practitioners.

Nasa ika-140th ranggo na ang Philippines my Philippines sa 2011 Press Freedom Index, isang taunang rating index na inilalabas ng RSF sa kabuuang 178 mga bansa sa buong mundo.

Bumagsak kasi ang Pilipinas sa ika-156th na ranggo isang taon matapos ang Maguindanao massacre mula sa dating 122nd na posisyon.

Hindi naman ito nakakapagtaka dahil malaya ang media at hindi dumaranas ng intimidasyon na kabaligtaran sa nakalipas na administrasyon.

Bukod dito, patuloy na hinahanapan ng solusyon ng administrasyong Aquino ang mga karahasan laban sa mga mamamahayag.

AYON

BAUTISTA

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

BUKOD

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

GENERAL MANAGER

MAJ

PRESS FREEDOM INDEX

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with