ANG Pilipinas umano ang tanging bansa sa mundo na hinagupit nang pinakamaraming natural disasters tulad ng bagyo, pagbaha, landslides, lindol, sunog at iba pang kalamidad noong 2011.
Ito ay base sa ulat ni Margareta Wahlstrom, pinuno ng United Nations International Strategy for Disaster Reduction.
Aniya, sa naturang taon, 33 natural disasters ang sumalanta sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung saan ay napakarami sa namatay at milyong pisong halaga ang napinsala sa mga ari-arian, agrikultura at imprastraktura.
Ang pinaka-malala umano sa mga ito ay ang bagyong “Sendong” noong nakaraang Disyembre 17, 2011 na pumatay ng 1,430 katao. Ang Sendong aniya ang pa-ngalawang pinaka-malalang kalamidad sa buong mundo noong nakaraang taon, kung saan ang itinuturing na pinaka-grabe ay ang March 2011 earthquake-tsunami twin disaster sa Japan na ikinamatay ng 19,846 na katao.
Batay pa sa talaan ng UN, ang bansang pangalawa sa dumanas ng pinakamaraming kalamidad noong 2011 ay ang China (21 natural disasters); United States (19); India (11); Indonesia (11); Mexico (10); Guatemala (7); Japan (7); Brazil (6); Bangladesh (5); Nigeria (5); Peru (5); Thailand (5); at Vietnam (5).
Kami ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay naniniwalang dapat na talagang asikasuhin nang sapat ang pagtugon sa problema sa mga kalamidad at ang mga paraan upang mabawasan ang epekto nito kundi man maiwasan ang ganitong mga pangyayari.
Matatandaang iniakda niya noon ang panukalang Comprehensive Disaster Management Act para sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga programang sasaklaw sa lahat ng as-peto ng pagharap sa ka lami-dad – mula sa prevention, mitigation, preparedness, emer gency operations, relief hanggang rehabilitation. Ang naturang panukala ni Jinggoy ang nag silbing pangunahing basehan ng naging Republic Act 101211 o Philippine Disas-ter Risk Reduction and Management Act of 2010.
Dagdag niya, kasabay ng naturang hakbangin ay kailangan ding magtulungan tayong lahat sa mismong pangkalahatang pangangalaga sa ating kalikasan.