^

PSN Opinyon

Mamalakaya ng tao

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NGAYON ay National Bible Week. Hinihikayat tayo na magbasa tuwina at pag-aralan ang Bibliya para sa ating espiritwal, moral at sosyal na katatagan ng ating bansa. Binabati ko ang mga may Bibliya sa kanilang tahanan. Hindi ito display lamang basahin natin ito. Nakapagtataka na hindi man lang nababasa, kaya naman ang kulay ng pahina ay marumi at naninilaw na. Ibig sabihin dekorasyon lang ang kanilang Bibliya.

Matapos ang pagsuway ni Jonas sa utos ng Panginoon sa halip na pumunta sa Ninive ay sumakay siya sa barko papuntang Tarsis. Nagkaroon nang malaking unos. Pinag-aralan ng lahat kung sino ang malas at matapos ang kanilang pagsusuri ay lumitaw kay Jonas. Kaya itinapon nila si Jonas sa karagatan. Kinuha siya nang malaking isda at nanatili sa tiyan ng tatlong gabi saka ibinuga siya sa Ninive. Nagsisi si Jonas at sinunod ang utos ng Panginoon. Ipinangaral niya ang pagsisi at ipinahayag niya na gugunawin ang Ninive pagkaraan ng 40 araw. Naniwala sila at nag-ayuno. Nakita ng Diyos ang kanilang pagtalikod sa kasalanan at hindi Niya itinuloy ang paggunaw sa Ninive. “Poon, ang iyong landasi’y iyong ituro sa akin”.

Ang pagsisi at pagbabalik-loob sa Panginoon ay dapat nating gawin sa halip ang mga makamundong gawain at pagnanasa sapagka’t ang lahat ng bagay sa daigdig ay mapaparam. Isipin natin ang mga unos na nangyayari ngayon sa buong daigdig. Alalahanin natin ang mga bagyo at unos dito sa ating bansa sa nakalipas na tatlong taon. Napakarami ang nasalanta at namatay.

Maging ang ebanghelyo ngayon ang gumigising sa ating tulog na isipan: “Dumating na ang takdang panahon at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang iyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balitang ito”. Paghandaan natin ang mga darating na unos at kata­pusan ng ating buhay. Kaya makisakay tayo sa bangka ni Pedro at samahan natin si Hesus sapagka’t sinabi Niya: “Sumama kayo sa akin at kayo’y gagawin kong mamalakaya ng tao”.

Hikayatin natin ang ating kapwa at mga mahal sa buhay upang tulad ng apat na mangingisda, ang magkapatid na Simon at Andres at magkapatid na Santiago at Juan ay sumunod kay Hesus. Ang ating pagsakay sa bangka ng buhay ay ating pagtibayin upang maging matatag tayo sa Salita ng Diyos. Anumang malaking alon sa dagat ng buhay sa ating paglalakbay ay ma­ging matatag tayo sapagka’t kasama natin si Hesus. Magsisi tayo at sumam­palataya sa Kanyang Salita.

Jonas 3:1-5, 10; Salmo 24; 1Cor 7:29-31 at Mk 1:14-20

ATING

BIBLIYA

DIYOS

HESUS

JONAS

KANYANG SALITA

KAYA

MABUTING BALITANG

NINIVE

PANGINOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->