MAHILIG ka bang manood ng concert ng iyong mga hina hangaang artist at performer? Mag-ingat sa modus na ito!
Maraming nagkalat na mga organizer umano ng mga events at concert ang makikita sa internet tulad ng mga social networking site, halimbawa ay Facebook.
Ang kanilang alok, mag-organize ng mga concert at event o magbenta ng ticket ng mga kilalang performer sa concert ng mga ito.
Kuwidaw, dahil baka lingid sa iyong kaalaman ang organizer umano na iyong katransaksiyon at binibilhan ng ticket ay hao shao o bogus!
Narito ang e-mail na may babala hinggil sa modus na ito:
Dear Sir Tulfo,
Magandang Araw po sa inyo at sa bumubuo ng Bitag! Isa po ako sa mga humahanga sa mga Korean groups na sumisikat dito sa Pilipinas, bumibili ng mga album nila at pumunta kapag me concert sila dito.
Meron po isang babaeng nagngangalang LUISA VALIENTE o ANDREA MOON, taga-Pampanga na laging nanloloko sa mga fans lalo na po sa mga fans ng Super Junior. 2007 pa lang ay niloloko na nya ang mga batang fans na dadalhin nya ang mga paboritong artista pero itatabo lang ang pera nila. Sa awa ng Diyos hindi po nila ako napapaniwala dahil na-warningan na po ako ng mga naloko nya. Marami na raw siyang inaorganize na event na me darating daw na special guest pero after nang maibigay ang pera, bigla itong makacancel at hanggang ngayon, hindi pa rin narerefund ang pera ng mga nagbayad.
Ang huli nyang nilagay sa facebook at me gagawin silang “reservation day” na gagawin sa Enterprise Center sa Makati. Eto po ang facebook page po nya at ang “promoter” na Center Stage Events Management. Kaduda-duda po kasi ang address daw nila ay sa Quezon City pero ang Zip code ay sa Makati. Hindi po nakalista ang Center Stage Events Management sa SEC. Sana po ay matulungan kami.
https://www.facebook.com/#!/pages/Luisa-Valiente/245591235474061
https://www.facebook.com/#!/pages/Center-Stage-Events-Management/249368318429398?sk=wall
Para hindi maloko at makasigurong mapapakinabangan ang ticket na nabili niyo para sa isang konsiyerto, makabubuting sa mga lehitimong ticket centers bumili nito.
Huwag basta-basta magpaniwala sa mga alok ng kung sino-sino lalo na’t hindi kakilala. Kapag puro ito pa-ngako at mababa ang hala-ga ng tiket, magduda ka na.
Katulad ng ginawa ng tipster, maaaring i-double check sa mga tanggapan ng gobyerno tulad ng Security Exchange Commission (SEC) kung lehitimong kumpanya ito.
Sa panahon ngayon, madali ng matrace kung lehitimo o bogus ang isang grupo’t kumpanya, sa lawak ng internet, maaari mo pang makita kahit mga nabiktima nila.
Mag-ingat at ‘wag magpaloko!