KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay natuwa sa napaka-positibong pananaw ng HSBC sa Pilipinas. Sa kanilang pag-aaral na pinamagatang “The World in 2050”, inilatag ng banko ang pagsusuri at forecast sa 100 mga bansa at ekonomiya ng mundo.
Ayon sa HSBC, ang Pilipinas ay tinatayang magi-ging 16th largest economy in the world sa taong 2050 at magiging mas maunlad pa ito kaysa sa Indonesia, Malaysia, Thailand at maging sa Saudi Arabia o Ne-therlands kung saan ang economic output umano ng ating bansa ay aabot sa halagang $1.69 trillion o 15 ulit na mas malaki kumpara sa kasalukuyan nitong kapasidad.
Sa naturang period umano ay mararanasan ng Pilipinas ang pinakamataas na growth rate per year kasabay ng China, India, Egypt, Malaysia, Peru, Bangladesh, Algeria, Ukraine, Vietnam, Uzbekistan, Tanzania at Kazakhstan. Ang ating bansa umano ay inaasahang magkakaroon ng napakagandang average 7-percent annual growth rate sa loob ng 40 taon.
Sabi ng HSBC, “Our ranking is based on an economy’s current level of development and the factors that will determine whether it has the potential to catch up with more developed nations. These fundamentals include current income per capita, rule of law, democracy, education levels and demographic change, allowing us to project the gross domestic product (GDP) forward.”
Malaking plus factor din umano ang patuloy na pag-lago ng populasyon ng Pilipinas laluna kung matitiyak ang proper education and training ng mamamayan.
Dagdag ng HSBC, ang magiging world’s top 20 largest economies sa 2050 ay ang China, United States, India, Japan, Germany, United Kingdom, Brazil, Mexico, France, Canada, Italy, Turkey, South Korea, Spain, Russia, Philippines, Indonesia, Australia, Argen tina at Egypt.
* * *
Birthday greetings: Ex-Senator John Henry Osmeña at Bishop Prospero Arellano (January 17); Archbishop Edmundo Abaya (Jan. 19) at Bishop Francisco Claver at Senator Koko Pimentel (January 20).