^

PSN Opinyon

'Doc, ano po ang Euthanasia?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Magandang araw po, Dr. Elicaño at sa bumubuo ng Pilipino Star NGAYON.

Gusto ko lang pong malaman ang kahulugan ng Euthanasia. Kahit na mayroon na akong nabasa sa libro at internet, gusto ko pa ring marinig ang opinion mo ukol dito.Maraming salamat po.”

—Maricel Buena, [email protected]

Salamat sa message mo.

Ang Euthanasia ay ang pamamaraan ng pagkitil sa isang taong may malubhang karamda­man na hindi na maaari pang gumaling o yung mga tinatawag na “gulay” na o comatose na. Ang salitang Euthanasia ay nangga-ling  sa mga salitang “good and death”.

Gusto ko lamang i-emphasize na isasagawa lamang ang Euthanasia kapag ang taong may mabigat na sakit ay hiniling sa doctor ganoon din sa kanyang mga kamag-anak na kitilin na ang kanyang buhay.

Ang active Euthanasia ay mahigpit na ipi­nagbabawal sa mara­ming bansa. Sabi ng religious groups ito ay malinaw na pagsu-suicide o murder kaya isang immoral. Gayunman ma­rami ang nagsasabing mas mabuti ang Euthanasia sapagkat natata­himik na ang tao kaysa ha-yaan itong buhay pero “comatose” na.

Isa sa mga paraan ng pagsasagawa ng Euthanasia ay ang pag-aalis ng medical treatment. Hahayaan ang pasyente na ma­matay naturally at ito ay legal sa batas.

Mahirap magdesis­yon para sa pamilya ng pasyente. Nagbibigay ito ng pagkabahala at hindi malaman ng ba­wat isa kung tama bang kitilin na ang buhay ng pasyente. Mayroong  iba na hindi itinutuloy ang balak at hinaha­yaan na lamang ang pasyente sa sitwasyong nakaratay ito at hintayin ang oras ng pagkawala ng hininga o pagtibok ng puso.

ANG EUTHANASIA

DR. ELICA

EUTHANASIA

GAYUNMAN

HAHAYAAN

ISA

KAHIT

MARICEL BUENA

PILIPINO STAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with