^

PSN Opinyon

Public terminal sa Bgy. Alangilan

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

GUMAWA ba ng new law ang sanguniang panglunsod dyan sa Batangas City para gawin public terminal ng mga dambuhalang bus ang isang lugar sa Barangay Alangilan?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last December 15, 2011, ay may order mula sa siyuting este mali siudad pala na todits magbaba at magsakay ng mga pasahero ang mga bus sa ginawang public terminal.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may city ordinance bang ginawa regarding this matter?

Ika nga, mukhang minadali yata?

May proteksyon ba ang madlang public sa terminal?

Ayos kaya ang lugar para sa madlang public?

Sinu-sino kaya ang behind sa public terminal dyan sa Barangay Alangilan ?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may kanya-kaniyang terminal pala dati bakit ngayon ginisa este mali inisa na lang?

Sabi nga, ginawang imbudo. Hehehe!

'Legal ba ang public terminal?' Tanong ng kuwagong hitik sa ganid.

'Siempre may order nga, kamote', sagot ng kuwagong nambukol.

'May pitsa kaya sa terminal?' Tanong ng kuwagong bus operator.

'Kamote, iyan ang itanong mo sa sarili mo!' Sagot ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

Si P. Noy sa isyung PSG at Sendong

NAGING sentro ng usapan ng mga kamote ang hindi pagdungaw ni P. Noy sa madlang people na nasalanta ng bagyong Sendong the other week sa dami ng mga nangamatay dito at nasirang ari-arian ay inuna pa daw ng panggulo este pangulo ang christmas party ng PSG.

Sabi tuloy ng mga kasangga ni P. Noy alaws na naman maisip ang mga kritiko nito kaya kung anu-anong isyu ang sinisilip para intrigahin sa madlang public si Mr. President.

Sabi ng mga critics panay ang pasarap ni P. Noy habang binabayo ng bagyo ang Iligan, Cagayan de Oro at Dumaguete at ilang pang provinces.

Sabi ng mga kaalyado ni P. Noy dehins ito pasarap kundi nag-hello at Merry Christmas greetings lang ito dahil mga guardya sibil ng kanyang palasyo ang PSG.

Sabi nga, securing the President's life!

Alam naman ng madlang public sa Philippines my Philippines na hindi nagpabaya ang gobierno sa bagyo ang problema nga lamang hindi nila kayang pigilan si Sendong ng ipakita nito ang kabagsikan niya sa Cagayan de Oro, Iligan at Dumaguete.

Kaya ng mag-say goodbye si Sendong sa mga taga-rito marami ang nalungkot at umiyak dahil sangkaterba ang pinatay nito.

Kambiyo isyu kaya ang binagsakan ng malaking sisiw este sisi pala ay si  P. Noy sa hindi niya pag-visit agad sa nasabing places.

'Paano nga naman pupunta si P. Noy maulan' Hehehe!

Hindi pinabayaan ng gobierno ang mga affected madlang people lahat ng uri ng tulong ay ginawa nila.

Sabi nga, bayanihan!

Kaya naman ng dumating at makita si P. Noy the other day sa nasabing places kahit napaluha ang mga affected na pamilya ay may mga ngiting namutawi sa kanilang mga face.

Sabi nga, iba talaga ang mataas ang trust rate.

BARANGAY ALANGILAN

BATANGAS CITY

DUMAGUETE

HEHEHE

NOY

PUBLIC

SABI

SENDONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with