^

PSN Opinyon

Ang lupang hindi nahati

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

Tungkol ito sa tituladong lupa na nasa kapitolyo ng isang probinsiya sa norte. Ang nakarehistrong pangalan sa titulo ay si “Teddy na kasal kay Remedios”. Namatay si Teddy noong digmaan at naulila niya ang asawang si Remedios at limang anak kabilang na si Carlos.

Noong 1947, ibinenta ng biyudang si Remedios ang kalahati ng lupa na may sukat na 2,000 metro kuwadrado sa kaibigan at kapitbahay nilang si Agripino. Bilang ebidensiya ng bentahan, nagpirmahan sila ng isang kasulatan ng bentahan ng lupa na ipinarehistro sa Register of Deeds at nakatatak mismo sa likod ng titulo ng lupa.

Samantala, hindi agad nilakad ni Agripino ang pagpapasukat sa lupa para mabigyan siya ng bagong titulo na nakarehistro sa kanyang pangalan. Imbes ay dineklara lang niya ito sa amilyar na kanyang binabayaran. Napasukat niya ang lupa noon lang 1964 at saka pa lang ginawa ang plano at technical description nito. Matagal pa o noong 1971 pa lang niya nagawang ipalakad sa Register of Deeds ang pagpapalipat ng titulo sa kanyang pangalan.

Noong panahon na iyon ay patay na si Remedios. Si Carlos, ang isa sa mga anak ang siyang namamahala sa lupa bilang administrador. Ayaw niyang isuko ang orihinal ng titulo para magawa ang hinihingi ni Agripino na pagpapalipat ng titulo sa bahagi ng lupa na kanyang binili kay Remedios. Ayon kay Carlos, ang lupang binili ni Agripino ay parte ng lupang ipinamana ni Teddy at ang bentahang naganap ay walang bisa dahil bilang biyuda ni Teddy, walang kakayahan si Remedios na ibenta ito maliban na lamang kung may basbas ang korte. Tama ba si Carlos?

Mali po. Totoo man na ang lupa ay nakapangalan kay Teddy, hindi ibig sabihin nito na siya lang ang eksklusibong may-ari ng lupa dahil sa nakasulat sa titulo na “kasal kay Remedios”. Ibig sabihin lang nito ay nakuha ang lupa sa panahon na ka­sal na ang dalawa at lumalabas na “conjugal” ito o pagmamay-ari ng mag-asawa.

Nang mamatay si Teddy, nahati ang lupa sa dalawa. Ang kalahating parte ni Remedios at ang kalahating parte ni Teddy na awtomatikong paghahatian ng kanyang mga tagapagmana. Kaya noong ibenta ni Remedios ang kalahating bahagi ng lupa kay Agripino, hindi niya ito ibinebenta bilang tagapamahala o administra­dor ng naiwan ni Teddy kun­di bilang may-ari nito. Kaya’t hindi kinakailangan ng basbas ng korte para ma­ benta niya ang kanyang parte ng conjugal partner-                   ship (Diaz vs. Court of Appeals, 145 SCRA 346).

AGRIPINO

COURT OF APPEALS

KAYA

LUPA

NOONG

REGISTER OF DEEDS

REMEDIOS

SI CARLOS

TEDDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with