^

PSN Opinyon

Editoryal - Ilipat ang NAIA

-

NOON pa, marami nang pumupuna sa kinala­lagyang lugar ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nasa dibdib ng Metro Manila at pinaliligiran nang maraming kabahayan, eskuwela­han, gusali, expressways at marami pa. Subalit ang mga puna at batikos ay dumaan lang sa kanang taynga at lumabas sa kabila. Hanggang sa lumipas pa ang maraming taon at lalo pang dumami­ ang mga istrukturang nakapaligid sa NAIA. Dumami pang lalo ang mga squatters sa paligid at ma­aaring sa mga susunod pang panahon kapag walang ginawang hakbang ang pamahalaan ay lalo pang dadami ang mga nakapaligid sa international airport at nakabingit sila sa panganib.

Katulad nang nangyari noong Sabado ng hapon kung saan isang cargo plane ang bumagsak sa isang slum area at nagdulot ng pagkamatay ng 14 na katao at maraming nasugatan. Tinatayang 50 barung-barong ang nasunog at nadamay din ang isang eskuwelahan. Sabi ng mga saksi, nakarinig sila ng malakas na pagsabog dakong alas dos ng hapon at kasunod ay ang pagkalat ng apoy. Karamihan sa mga naging biktima ay natutulog umano sa kani-kanilang bahay. Ang ilang batang naglalaro sa kalsada ay nagkaroon ng paso sa katawan dahil sa lakas ng apoy. Namatay ang piloto­ ng cargo plane at ang kasama nitong student pilot. Ayon sa imbestigador, patungong Occidental Mindoro ang eroplano at ilang minuto pa lamang nakakapag-take-off nang mangyari ang pagsabog.

Tiyak na marami na namang magpapayo na ilipat­ ang NAIA sa isang malawak na lugar at malayo sa mga kabahayan upang wala nang madamay sakali at may eroplanong magkaaberya. Tiyak na marami na namang mambabatas ang magpapanukala na dalhin sa labas ng Metro Manila­ ang NAIA para maiwasan ang pagkadamay ng mga residente.

Mainit na namang pag-uusapan ang isyung ito sapagkat kapapangyari pa lamang. Kapag nagtagal at malamig na ang isyu ay mawawalang muli at saka mabubuksan kapag may nangyari na namang malagim na pagbagsak.

Pag-isipan at pagplanuhan na ang paglilipat ng NAIA sa isang ligtas na lugar. Kung hindi ito pagpaplanuhan, baka mas malagim na aksidente pa ang mangyari.

AYON

DUMAMI

HANGGANG

KAPAG

METRO MANILA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OCCIDENTAL MINDORO

SHY

TIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->